^

PSN Opinyon

Mayor ng Pilar, Abra, nagsuko ng armas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Magsisilbing leksiyon sa mga pulitiko ang kamalasang sinapit nina Pilar, Abra Mayor Mark Roland Somera at kapatid na Vice Mayor Josefina ‘‘Jaja’’ Disono. Sa kagustuhang mapanatili sila sa puwesto, nag-hire sina Somera at Disono ng private armies para ‘‘gulatin’’ ang mga kalaban nila.

Kaya lang nag-backfire ang plano nila at naging ugat pa ito sa pagkatalo nila nitong nakaraang May 9 election. Araguuyyyyy! Hindi lang ‘yan, samu’t saring kaso pa ang inabot ng magkapatid na sa ngayon ay hindi na masilayan ang kanilang anino sa Pilar, ani Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee.

Ang natira na lang sa compound ng magkapatid ay ang uncle nila at ang caretaker, ang dagdag pa ni Gen. Lee. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Imbes na maging masaya ang buhay nila, aba nagtatago na itong magkapatid at dagdag kamalasan ang aabutin nila kapag lumabas pa ang arrest warrant laban sa kanila, ‘di ba mga kosa? Mis­mooooo!

Medyo masabi nating nahubaran din ng pang-depensa itong sina Somera at Disono dahil nagsuko sila ng siyam pang armas kay Col. Maly Cula, ang provincial director ng Abra. Ang mga baril ay dinala ni Atty. Lazaro Galindez Jr., counsel nina Somera at Disono, sa opisina ni Col. Cula nitong June 14. Ang mga armas ay nasa panganga­laga sa ngayon ni Maj. Michael Maca-ey, OIC ng Regional Civil Security Unit (RCSU).

Ang isinuko ni Somera ay isang Cal. 40 Glock Gen 4; cal. 357 Smith and Wesson revolver; isang cal. 45 Glock; isang 12-gauge shotgun SPAS; isang CZ Cal. 9mm pistol­; isang cal. 9mm STRBOG; isang 9mm Mossberg, at isang Cal. .45 Armscor M1911 Rock STD. Si Disono naman ay nagsuko ng isang 12-gauge shotgun.

Kaya nagsuko ng armas itong sina Somera at Disono dahil ni-revoke ni FEO director Brig. Gen. Alden Delvo ang kanilang lisensiya. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Sabagay, hindi na kailangan nina Somera at Disono ang baril dahil magaling silang magtago, ‘di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinabi ni Gen. Lee na itong isinuko na baril nina Somera at Disono ay iba pa sa 14 armas na nakumpiska sa kanilang­ compound matapos ang standoff nang takbuhan nila ang Comelec checkpoint noong March 29.

Ayon kay Gen. Lee, 12 PAGs ang inaresto samantalang isa sa kanila ang namatay sa engkuwentro. Dipugaaaaa! Parang may sariling arsenal itong magkapatid na pulitiko ah? May kalaban kaya sila? Hak hak hak! Kaya’t kayong mga pulitiko d’yan, ‘wag tularan itong sina Somera at Disono at t’yak sa kangkungan ang bagsak n’yo! Mismooooo! Abangan!

ARMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with