^

PSN Opinyon

Solomonic wisdom kailangan ni BBM

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Para sa manunungkulang National Security Adviser Clarita Carlos, para maibsan ang epekto ng walang habas na pagtaas sa presyo ng petrolyo ay “huwag na tayong sumali sa ipinatutupad na sanction ng America at mga Kanluraning bansa sa Russia.

Teka, kung gagawin ng Pilipinas iyan, baka pati tayo ay madamay sa ipinatutupad na sanction kaugnay nang hindi mapigil na pag-atake ng Russia sa Ukraine. Mas malaking problema. Apektado ang ating pakikipagkala­kalan sa ibang bansa pati na ang value ng ating piso na nakasandal sa US dollar.

Ngayon, ipinatupad na ng mga oil companies ang pang-18 oil price increase at hindi lang ang transport sector ang apektado kundi lahat ng industriya na umaasa sa krudong langis. Ang epekto, tataas ang presyo ng lahat ng bilihin.

Naghahanap ng kakampi ang Russia. Tiniyak ng Ambassador ng Russia kay President-elect Ferdinand Marcos­ na handa itong mag-supply ng murang langis sa Pili­pinas. Nakakaakit ang offer. Ngunit Ano ang consequence nito?

Mistulang kumalas na tayo sa ating big white brother na si Uncle Sam. Aminin man natin o hindi, mapaminsala ang pagputol ng relasyon natin sa Estados Unidos. Hindi lang naman tayo kundi maraming bansa ang sanggang-dikit sa America.

Kahit ang China na kilalang kaalyado ng Russia ay maingat sa mga hakbang nito sa pagbibigay ng anumang tulong o suporta sa naturang bansa. Diyan natin­ makikita­ kung ang papasok na bagong Pangulo na si Bongbong Marcos ay may likas na solomonic wisdom para lutasin ang dambuhalang problemang iyan.

CLARITA CARLOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with