Makati Business Development Council, aktibong muli
Muling nagpulong ang Makati Business Development Council (MBDC) sa Makati City Hall noong Hunyo 8, 2022. Kasabay nito ang induction ng mga bagong miyembro mula sa iba’t ibang business groups upang simulan na ang paglalatag ng mga bagong plano at programa para sa mga negosyo sa lungsod.
Napapanahon ang pagpupulong na ito ng mga lider at eksperto sa business sector dahil kailangang-kailangan ang pagbalangkas at paglalatag ng pundasyon para sa long-term economic at business development strategies para sa Makati.
Ito ang unang meeting ng MBDC mula nang tumama ang pandemya. Ang buong lungsod ay puno ng pag-asa na bukod sa pagbangon ay lalong lalakas at lalago ang mga negosyo at komersiyo.
Ang MBDC ay binubuo ng mga bihasa at batikang negosyante at strategists na eksperto sa pag-develop ng high-impact innovations at initiatives.
Makakapagbigay din sila ng payo para ma-improve ang competitiveness ng Makati upang manatili tayong premier investment destination sa bansa.
Malaki ang hamon ng recovery at renewal sa mga susunod na taon. Ang responsibilidad na ito ay nakaatang sa balikat naming mga opisyal at miyembro ng MBDC. Bilang mayor, ako ang awtomatikong pinuno ng council.
Bago ang meeting, nanumpa bilang mga bagong miyembro ng MBDC sina: George Barcelon, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry; Calixto Chikiamco, presidente ng Foundation for Economic Freedom; Edgar Chua, chairman ng Makati Business Club; Michael Arcatomy Guarin, presidente ng Financial Executives Institute of the Philippines; Victor Andres Manhit, chief executive officer at managing director ng Philippine Stratbase Consultancy, Inc.; Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines; former Labor Secretary Marianito Roque; Shinichiro Shimada, presidente ng The Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines, Inc.; Frank Thiel, presidente ng The American Chamber of Commerce of the Philippines, at Hyun Chong Um, presidente ng Korean Chamber of Commerce Philippines, Inc.
Ang MBDC ay binuo noong Enero 2003 sa admimistrasyon ng aking amang si dating Vice President at Makati Mayor Jejomar Binay. Simula noon, napakahalagang papel ang ginampanan ng council sa pagbibigay ng payo at suhestiyon tungkol sa investments, pagbalangkas ng sustainable plans at pagsusulong ng inclusive growth sa business sector.
Handang-handa na ang Makati na magsimula ng isang bagong kabanata at muli nating kakailanganin ang kanilang mga payo, plano, at strategies. Mas moderno, mas innovative, at mas ambitious ang mga proyekto at programang magdadala sa atin sa mas magandang kinabukasan.
We are ushering in a new era of development and progress. We are creating the Makati of the future. At lahat ng ito ay para sa inyo, mga mahal naming Makatizens.
- Latest