^

PSN Opinyon

Inggit siguro

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

Anong problema kung si Senador Robin Padilla ang mapili ng Senado na mamuno sa Committee on Constitutional­ Amendments and Revision of Laws? Itinakda ba sa Sali­gang Batas, sa anumang batas o sa alituntunin ng Senado na may karagdagang kuwalipikasyon bago hirangin na Chairman ng Committee na ito?

Siyempre, hindi. Hindi rin rekisito upang maging senador­ ang pagiging abogado. Marami sa pinakamagagaling na senador ay hindi graduate ng law. Kahit pa walang ma­nalong kandidatong abogado, hindi titigil ang operasyon ng Mataas na Kamara.

Lalong hindi kailangan na ang chairman ng anumang lupon na may kinalaman sa batas ay maging abogadong senador. Hindi rin naman kailangan na senador na doktor­ ang mag-chairman ng Committee on Health o senador na engineer­ ang mag-chairman ng Committee on Public Works.

Ang tanging katangiang hinahanap ng batas at ng pag­kakataon ay kung handa kang maglingkod. Ang pag­­gawa ng batas ay hindi teritoryo ng abogado. Sa katunayan­, malaki ang maiaambag ng mga hindi abogado dala ng kakaibang pananaw ng kanilang mga sektor. Sa pamamagitan nito ay lalong mapagaganda ang paghubog ng mga batas.

At kung ang hanap ay dalubhasa, bawat isang lupon­ ay may budget at item para sa abogado at iba pang eks­perto. Sila ang maniniguro sa maayos na pagsuri at pagsa­saanyo­ ng bawat batas. Sa panig ni Senator Padilla, may consul­tant pa ito na dating Presidential Legal Counsel: si Atty. Sal Panelo.

Pamilyar ang lahat sa paniwala ng senador na unahin ang Charter Change nang mapangatawanan ang plata­por­­­mang Pederalismo. Mas matindi nga kung mismong­ miyembro na ginaganahan sa ganitong paksa ang mabigay sa atin. At least, makasisiguro tayong hindi nito mapababayaan­ ang pagpastol sa mga pasaway.

Isa rin lamang ito sa miyembro ng buong committee. Sa huli ay lupon din ang magpapasya.

Walang problema kung hawakan ni Senator Padilla ang kanyang pididong committee. Congratulations!  Nananalig ang lahat na mapangatawanan niya ang katungkulan at maipakita sa lahat na siya’y walang itulak kabigin hambing sa mga kapwa senador.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with