^

PSN Opinyon

Magtanim, mangisda pati sa siyudad — Dar (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UMAANGKAT na naman si Agriculture Sec. William Dar ng 38,695 tonelada ng isda mula China ngayong Hunyo. Butal daw ‘yon ng inotorisa niyang angkat na 60,000 tone­lada nu’ng Enero-Marso.

‘Yan na nga ba ang inaangal ng sektor ng pangisdaan. Angkat nang angkat si Dar maski may huli ang commercial­ fleets at maliliit na mangingisda, at puno ng tilapia at bangus ang fishpens at ponds. Nalulugi sila tuwing umaangkat si Dar: 62,000 tonelada nu’ng Oktubre-Disyembre at 60,000 tone­lada pa uli. Hindi naman maibenta sa palengke ang imported kaya hayan, 21,305 tonelada lang ang naisalya.

Sa kaaangkat ni Dar ng isda pati gumagawa ng feeds tumutumal ang benta. Panay din ang angkat ng mais; nalu­lugi ang mga nagtatanim.

Tuluy-tuloy din ang angkat ng poultry at pork. Lumpo na ang mga Pilipinong magmamanok, magbababoy at taga­gawa ng patuka at pakain.         

Umaangkat din ng carrots, sibuyas, broccoli, bawang, luya at prutas. Dahil bagsak-presyo mula China, hindi ma­ibenta ng Pilipino ang sariling tanim. Tinatapon na lang sa tabing kalsada ang ani.

Pati asukal inaangkat ni Dar sa kalagitnaan ng milling­ season ng mga Pilipinong magtutubo. Lugi sila -- pati mag­papalay, magmamais, maggugulay, magpuprutas -- dahil mahal ang pataba at pestisidyo.

Wala nang gana ang mga Pilipino magtanim, mangisda at magpalaki ng pagkaing hayop. Hindi sila tinutulungan ng Department of Agriculture. Ang baba pa ng import tariffs­ sa pag­­kain. Kaya walang pera pang-irigasyon at pampa­unlad ng sakahan, pangisdaan at paghahayop.

Napipinto ngayon ang global food crisis. Nananawagan­ si Dar sa lahat, pati taga-siyudad, na magtanim, mangisda, mag-poultry, piggery at fishpond. Bakit hindi na lang pasig­lahin ng DA ang agrikultura? Handa namang bilhin ng mga taga-siyudad ang gawang Pilipino.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

WILLIAM DAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with