^

PSN Opinyon

Lagi ka bang nakararamdam ng pagkapagod?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung nakakaramdam palagi na parang pagod o sobrang pagkapagod, makabubuting komunsulta sa doktor. Ang pakiramdam na laging pagod ay maaring sintomas ng ibang mga sakit na dapat gamutin.

Narito ang mga karaniwang dahilan ng pagod:

1.Hindi maayos na pagkain o wala sa oras ang kain.

2.Kulang sa tulog.

3.Ang mga gamot tulad ng gamot sa kirot (pain relievers), gamot sa ubo, sipon, pang-allergy ay maaaring dahilan.

4.Dehydration o kakulangan sa tubig.

5.Mainit na panahon.

Ang nararamdamang pagod ay maaaring sintomas din ng ibang sakit gaya ng:

1.Anemia o mababang bilang ng red blood cell.

2.Cancer.

3.Low thyroid activity o mahina ang thyroid.

4.Diabetes.

5.Malalang impeksiyon.

6.Alcoholic.

7.Sakit sa puso.

8.Rheumatoid arthritis.

9.Problema sa pagtulog tulad ng paghilik at sleep apnea.

10.Electrolyte imbalance o pagiging mataas o mababa ang potassium at sodium sa dugo.

Kung palaging pagod, subukan ang mga sumusunod:

1.Magkaroon ng sapat na tulog, Kung maaari ay 7 hanggang 8 oras na tulog na tuluy-tuloy.

2.Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na matulog at gumising sa parehong oras araw-araw

3.Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado nang marami ang trabaho.

4.Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importante. Okay lang na hindi tapusin lahat.

5.Alamin ang mga bagay na nagdudulot ng stress. Bawasan o iwasan ito.

6.Subukang mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbibigay ng lakas.

7.Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.

8.Balansehin ang kakainin. Isama rito ang pagkain nang maraming prutas, gulay at whole grain. Kumain ng masustansyang almusal. Huwag magpalipas ng gutom.

9.Kung sobrang sa timbang, magdiyeta pero gawin nang dahan-dahan. Iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka ka manghina.

10.Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kailangang uminom nang maraming tubig.

11.Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.

12.Kung naninigarilyo, itigil ito. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.

DOKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with