^

PSN Opinyon

Babangon muli

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Bago matapos ang linggong ito ay makukumpleto na rin ang proseso ng pagpili ng ating bagong opisyal. Pormal itong inumpisahan sa pag-file ng kandidatura noong Peb­rero 8. Pero, kung tutuusin, ang ibang tumakbo ay nauna nang magparamdam taon na ang nakalipas.

Kung tayo ay naging tutok sa kaganapan ng kampanya­, ang administrasyon naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ay abala ding siguruhin na matapos nila ang mga pending­ na aaksyunan. Mahalaga sa bawat transition ang magka­roon ng magandang turn-over ng trabaho. Kung nagka-personalan man sa kampanya, dapat propesyonal pa rin ang serbisyo. Wala dapat makumpromisong gawain na mabibinbin lamang dahil sa pagpalit ng administrasyon.

Ang incoming Marcos administration ay nagsusunog­ din ng kilay upang makabuo ng magandang line up upang maging handa sa Hunyo 30. Maaalala na may mga admi­­nistrasyong nakalipas na naging mapusok sa paghawak ng responsibilidad subalit hindi naman napaghandaan ng mga nabigyang puwesto ang kailangang gawin. Ang re­sulta ay natawag tuloy na iskul bukol at naging hindi maganda ang repleksiyon sa kanilang pamunuan.

Hindi mangyayari ulit ang ganoong pagmatrikula. Na­iulat na ang pagtalaga ni President-elect BBM ng mga magagaling na tauhan sa kanyang gabinete. Ang kanyang Education Secretary na si Vice President-elect Sara Z. Duterte ang magiging superstar. Si Atty. Vic Rodriguez­ na­man ang magsisilbing Executive Secretary na kapatas­ ng kanyang mga kalihim. Binubuo na ang economic team at, sa kalibre ng mga nauna nang pinasilip, malinaw na pawang­ mga batikan at subok nang opisyal ang tatao sa mga mahalagang tanggapan. Una na si dating Sec. Bienvenido Laguesma sa DOLE, dating Usec. Toots Ople para sa Migrant Workers Department at si Sec. Arsenio Balisacan sa NEDA.

Nakumpirma na ring si dating MMDA Chair at Mandalu­yong Mayor at Congressman BenHur Abalos ang hahawak sa DILG at si Cong. Boying Remulla sa DOJ.

Ang ganitong bandera ng mga opisyal ay nagpapalakas ng loob at nagbibigay pag-asa sa mga nakamasid na talagang mapapangatawanan ng administrasyong Marcos, Jr. ang panata nito na tayo ay pabangunin muli.

OPISYAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with