^

PSN Opinyon

Mali raw  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SI Marina at ang namatay niyang mister na si Rudy ang may-ari ng tatlong parselang lupa sa dalawang bayan sa Kanlurang Luzon partikular ang isang lupang pansakahan na may sukat na 2,827 metro kuwadrado (Lote A), isang may sukat na 1,228 (Lote B) at isang parselang 1,328 metro kuwadrado na may nakatirik na bahay na ang sukat ay 300 metro kuwadrado (Lote C).

Nang utusan ni Marina ang anak na si Cardo para bayaran ang amilyar ng mga lupa ay nadiskubre nito na nabenta na sa mag-asawang Wally at Lina ang Lote A at Lote C sa pamamagitan ng Kasulatan ng Bentahan na may karapatan na bilhin muli ang lupa. Di-umano ay pirmado nina Marina at Rudy ang kasulatan.

Kaya agad na nagsampa ng reklamo si Marina para mapawalang-bisa ang kasulatan at tuloy mabawi ang mga lupa dahil hindi naman daw niya pinirmahan ang dokumento. Nang matanggap ng mag-asawang Solis ang reklamo ay agad silang nakipag-areglo kay Marina.

Nagkaroon ng kasunduang ang magkabilang panig kung saan mapupunta kay Marina ang Lote A at kay Lina naman ang Lote B. Pirmado ni Cardo ang Compromise Agreement bilang attorney-in-fact o kinatawan ni Marina samantalang si Lando na anak ni Lina ang attorney-in-fact ng babae. Pati mga abogado nila ay pumirma sa kasunduan at inaprubahan ito ng korte. Nagkaroon ng writ of execution o implementasyon ng kasunduan.

Pagkatapos noon ay nagsampa ng mosyon si Marina para raw isantabi ang kasunduan kasi ay Lote C at hindi raw Lote B ang ibibigay niya sa mag-asawang Solis. Nag­kamali raw kasi sa deskripsyon ng lote sa Compromise Agreement. Pinagbigyan ng RTC ang mosyon at pinapalitan ang lote sa kasunduan pero humingi ng rekonsi­derasyon ang mag-asawang Solis.

Binasura ang kanilang mosyon kaya inakyat nila ang usapin sa Court of Appeals (CA). Pinagbigyan sila ng CA at sinabing hindi na maaaring baguhin ang laman ng Compromise Agreement na inaprubahan at pinatupad ng RTC. Dapat daw sundin ng magkabilang panig ang mga kondisyones ng kasunduan.

Umapela si Marina sa Supreme Court nang hindi pagbigyan ng CA ang hinihingi niyang mosyon para ikonsidera ang hatol. Walang bisa daw ang Compromise Agreement dahil walang naging kasunduan ng kanilang mga utak at ang gusto niya ay Lote C at hindi Lote B ang ibigay. Tama ba si Marina?

MALI. Kinatigan ng SC ang CA at pinahayag na hindi na puwedeng baguhin ang isang pinal na desisyon kahit pa mali ito. Walang pasubaling naaprubahan ng korte ang Compromise Agreement at pinal na ito kaya nga naglabas ng Writ of Execution para ipatupad ang kondisyones ng kasunduan. Malinaw na nagkasundo ang magkabilang panig sa paglilipatan ng lupa.

Kung talagang nagkamali ay dapat agad na kinuwestiyon ito lalo nang mag-asawang Solis. Dapat agad na naghabol si Marina. Puwede lang mapawalang-bisa ang desisyon ng korte kung nagkaroon ng panloloko o kaya ay kawalan ng kapangyarihan (jurisdiction).

Sa kaso ay nagkaroon ng jurisdiction ang RTC kaya masasabing legal at may bisa ang Compromise Agreement pati ang naging desisyon dito. Malinaw na walang basehan ang batayan sa pagpapawalang-bisa kaya dapat lang na irespeto ang hatol ng CA (Aromin etc. vs. Heirs of Spouses Somis, G.R. 204447, May 3, 2021).

vuukle comment

MALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with