^

PSN Opinyon

Tigil nega

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

HABANG palapit nang palapit ang May 9, lalong pinaiigting ng mga kandidato ang atake sa kalaban, paninira, pagsaboy ng putik. Maging ang mga mahal nila sa buhay ay hindi pinalalampas—lalo na sa social media kung saan diretso mula sa publiko ang komentaryo. Anak, asawa, apo, pamangkin. Lahat tinatamaan ng bato-bato sa langit.   

Hindi na maganda ang nangyayari. Marami na ring nagtatangkang pahinahunin ang mga pasaway. Subalit parang wala ring dating ang kanilang pakiusap.  

Kahapon, nagsalita si dating Vice President Jejomar Binay. Aniya’y tutukan na lang sana ang mga programang aahon sa atin sa negatibong epekto ng pandemya. Tigilan na ang nega. Maging positibo.  

Kapag ang ganitong mga hamon ay nagmula sa bibig ng senior statesman tulad ni VP Binay, sadyang mas matimbang. Lalo na kung iisipin na si VP Binay ay biktima ng pinakamalalang paninirang puri sa Senado. Noong siya ang nangunguna bilang Presidentiable noong 2010 hanggang 2016, naitala ng Senado ang pinakamahabang sunud-sunod na Senate hearing sa kasaysayan para lamang hanapan ng bahid at siya’y siraan.  

Sa kabila nito, hindi natin naringgan ng anumang pag­higanti si VP. Pawang magagandang pananalita—kahit tungkol sa kalaban—ang nanggagaling sa kanyang puso. Ito ang dahilan kung bakit may kakaibang impact ang kanyang abiso.  

Paninira ang pangunahing istilo ng ilang kandidato hindi lamang sa lokal. Maging sa pambansang eleksyon ay garapal na masyado. Si Senator Ferdinand Bongbong Marcos, wala nang ginawa mula umpisa kundi manangga ng batikos. Para bang walang ibang plataporma ang ibang kalaban kung hindi ang manira. Noong Linggo ng Pagkabuhay, narinig din natin ang malutong na pagbira ng iba laban naman kay VP Leni.  

Ang bansa ay babangon at pag-asa ay makakamit kung tayo ay magtulungan imbes na magsiraan. Magandang palaisipan ang panawagan ni VP Binay na inguso natin sa mas positibong direksiyon ang konbersasyon ng lipunan.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with