^

PSN Opinyon

Ang Pilipino bilang marino

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Kadalasan, ang nasa-isip ay ang limpak-limpak na salapi na kinikita ng isang Pilipino seaman ngunit naka­kalimutan na bilang seafarer ay hindi lahat puro saya at pasarap ngunit kaakibat nito ay ang paghihirap na dina­ranas ng mga Pilipino seamen simula pa lang sa pag-apply nito sa agency hanggang sa pagtatrabaho mismo sa gitna ng karagatan mabigyan lamang nang maayos na buhay ang kanilang pamilya.

Kaya nga nabigyang buhay ang Marino party-list na binuo noong 2014 upang higit na matutukan ang mga kaakibat na mga problema na kalimitang dinadala ng ating mga seaman lalo na pag sila ay nasa gitna ng dagat ng kalungkutan pag nawalay sa kanilang pamilya sa matagal na panahon.

Sa nalalapit na May 9 na halalan muling sinusuyo ng Marino party-list ang mga botante upang maisakatuparan ang lima nitong prayoridad—cadet scholarships, family centers, trainings, free legal services and decentralization.

Ayon kay Rep. Carlo Lisandro Gonzales, kailangan talagang muling mailuklok ang Marino party-list sa darating na election upang maipagpatuloy nito ang mga layunin at programa nito para sa ikabubuti ng ating Pilipino seaman.

Ang Pilipinas ay sinasabing world’s largest supplier of seafarers as the country plays an important role in the supply of seafarers, which are the foundation of global logistics.

At ayon sa mga record nito, “the seabased sector’s remittance comprise at least 22% of the total dollar remittances of Overseas Filipino Workers (OFWs). The seafarer, like other OFWs, is often looked up to as one of today’s heroes, who through the huge remittances in billions of dollars they earn, have propped up our economy”.

Ngunit gaano man katatag ang sektor ng seafarer ng Pilipinas, hindi pa rin maiwasan ang mga problemang dala-dala maitaguyod lang ng ating mga seamen ang kanilang mga pamilya.

SEAFARER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with