^

PSN Opinyon

Bodyguards ng pulitiko ugat ng poll violence

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Simula pa noong unang panahon, sakit na ng mga puli­tiko ang pagkakaroon ng tropa ng mga armadong magbabantay sa kanila. Ito ay totoo may eleksyon man o wala. Ngunit kapag panahon ng eleksiyon, lalong nag­li­pana ang mga kandidatong napalilibutan ng sangkaterbang bodyguards.

Dahil diyan, kapag nagkainitan ang kampo ng mga kandidato, ito ay humahantong sa sagupaan. Nang si Rafael Alunan ay manungkulang DILG Secretary sa panahon ni Pres. Fidel V. Ramos, naglabas siya ng kautusan na tina­­tawag ngayong “Alunan Doctrine”.

Sa kautusan, itinuturing na private army ang pagka­karoon ng higit sa dalawang bodyguards ng isang kandi­dato. Ang mga pulitikong lalabag dito ay puwedeng pana­­gutin.

Mayroon naman tayong pulisya na handang magbigay proteksyon sa mga kandidato at hindi na kaila­ngan­ pang umupa ng personal bodyguard. Ngunit­ kung nanga­ngamba sila sa kanilang kaligtasan, puwede­ naman basta hindi lalampas sa dalawa ang kukuning­ body­­­guards.

Iniutos ni President Duterte na ipatupad ang lumang Alunan Doctrine. Tama lamang ito para mabawasan kundi man tuluyang masugpo ang mga elections related violence na hindi nawawala tuwing election period. Ang sinu­mang pulitikong lalabag ay aarestuhin, diin ng presidente.

Naniniwala ako na madalas, ang pagkuha ng bodyguards ay hindi talaga para sa proteksiyon ng isang puli­tiko kundi upang ipaglantaran ang kanyang lakas para masindak ang iba. Dapat nang putulin ang kahambugang ito ng ilang pulitiko.

DOCTRINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with