^

PSN Opinyon

Magnilay sa Salita ng Diyos

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Huwebes Santo na. Mula pa noong Lunes, sa pasimula ng Mahal na Araw hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay ay inaalala natin ang dakilang sakripisyo ng Bugtong na Anak ng Diyos na nagbubo ng dugo sa Krus ng Kalbaryo sa ikatutubos ng kasalanan ng sanglibutan.

Para sa akin, ginugugol ko ang mga mahalagang san­daling ito sa pagbubulay sa aking buhay. Tinatanong ko ang aking sarili kung ako ba ay nabuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos o sa sarili kong kalooban? Sa bawat pag­kakamali, hinihingi ko ang kapatawaran ng Panginoon.

Walang taong hindi nakakalimot. Naaalala lang natin ang Diyos sa ganitong mga panahon pero matapos ito ay balik tayo sa dating gawi. Sa panahong ito, ang pabo­ritong libangan ng maraming tao ay ang walang katapusang patudsadahan at murahan sa pamamagitan ng social media.

Ang masaklap, kahit ngayong Mahal na Araw ay hindi nagtatapos ang mga insultuhan at batuhan ng mapang-insultong salita ng ilang netizens.

Mga dating magkakaibigan ay nagkasira dahil lamang sa pagkakaiba ng napupusuang kandidato lalo na sa pagka-Presidente. Kakaiba ang sitwasyon pampulitika sa bansa ngayon.

Pero imbes na manalangin tayo sa Diyos na bigyan tayo ng isang matinong presidente, ikinandado natin ang ating mga isipan sa ating mga napupusuang kandidato. Kapag ang ibang tao ay salungat sa ating napipiling kan­di­dato, pagkasuklam ang ating nadarama.

Ngayong Semana Santa, maisip sana natin na baguhin na ang ugaling ito. Sa gabay at patnubay ng Diyos, sa pamamagitan ng kaisa-isang Niyang anak na si Hesus, manalangin tayo na pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 ay magkaroon tayo ng isang presidente at iba pang opisyal na Diyos ang nagluklok.

SEMANA SANTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with