^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mag-ingat sa muling pagkalat ng virus

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mag-ingat sa muling pagkalat ng virus

NAGSIMULA na kahapon ang pagdagsa ng mga tao sa bus terminal, pantalan at domestic airport para umuwi sa kani-kanilang probinsiya para gunitain ang Mahal na Araw. Siksikan ang mga tao sa bus terminal sa Parañaque ganundin sa Batangas pier. Mahaba ang pila at tila hindi na nasusunod ang social distancing. Kapansin-pansin din na walang face mask ang ilang pasahero.

Sa paggunita ng Mahal na Araw sa probinsiya, nakababahala ang muling pagdami ng virus. Tiyak na hindi na maipasusunod ang health protocols lalo sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagpepenitensiya. Karaniwan nang may mga nagpapapako sa krus at dinadagsa ng mga tao para manood. Mayroon ding mga prusisyon at kung anu-ano pang gawaing pang-Semana Santa. Tiyak na dadagsa ang mga tao sapagkat dalawang taon ding hindi nakapagdaos ng mga aktibidad na pang-Mahal na Araw.

Kasunod ng Mahal na Araw ay ang pagtitipon ng mga magkakamag-anak na karaniwang ginagawa ng Easter Sunday. May picnic na ginagawa sa beach o resort at kung saan-saan pa. Masaya ang pagkikita pagkatapos ng pandemya at nalilimutan na ang pag-iingat.

Pagkatapos ng paggunita sa Mahal na Araw, tuloy ang pangangampanya ng mga kandidato. Ibubuhos na nang todo ang panunuyo sa mga tao. Kaliwa’t kanan na ang campaign sorties. Ang mga kasuluk-sulukan ng barangay ay pupuntahan para makipagkamay at yumakap sa mga tao.

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon ng surge ng COVID sa mga susunod na buwan. Ang epekto umano ng paggunita ng Mahal na Araw at election ay mararamdaman pagkalipas ng dalawang buwan. Ganito rin ang sinabi ng Department of Health (DOH) at OCTA Research Group ilang linggo na ang nakararaan.

Nararapat ang pag-iingat lalo ang mga duma­dagsa sa probinsiya. Nasa paligid pa ang virus­. Huwag magkampante. Ipagpatuloy naman ng gob­yerno­ ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots. Maha­laga ito para maproteksiyunan ang mama­mayan sa muling atake ng virus.

MAHAL NA ARAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with