^

PSN Opinyon

RISE Challenge: Bagong paraan ng pagpapasigla ng ekonomiya sa Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

KASABAY sa muling pagbangon at pagpapasigla ng ating ekonomiya, isang programang magsusulong ng bagong henerasyon ng negosyo at komersiyo sa Makati at sa ibang panig ng bansa ang aming inilunsad kamakailan.

Sa pagtutulungan ng University of Makati (UMak) at ng Ronin Group, isang organisasyong nagsasanay at tumu­­tulong­ sa mga bagong negosyo o startups na maka­kuha ng funding at mapalaki ang kanilang negosyo, binuo namin ang RISE na ang kahulugan ay Tomas B. Lopez Jr. Resi­liency­ Innovation Sustainability and Entrepreneur­ship Certi­fi­cation­ Program. 

Ito ay kolaborasyon ng tatlong mahalagang haligi ng isang startup ecosystem: ang lokal na pamahalaan, ang akademya, at ang investing community. Sa aming pinag­­sama-samang kaalaman at karanasan sa negosyo, layu­­nin naming iangat at isulong ang pagnenegosyo sa Makati. 

Kailangan natin ng mga bagong negosyanteng may innovative at groundbreaking ideas. Susuportahan natin ang mga negosyong gagamit ng bagong teknolohiya para ma­abot at mapadalhan ng serbisyo at produkto ang mas maraming indibidwal hindi lamang sa Makati, kundi sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng programang ito ay mahihikayat natin­ ang mas marami pang startup companies at negos­yante na maglakas-loob sa pagbubukas ng bagong negosyo.

Nagsilbing inspirasyon sa akin para sa pagbuo ng RISE Challenge ang naging exposure ko sa isang startup eco­system noong 2019. Sa pagbisita ko sa Barcelona, Spain, para sa Smart City World Expo Congress, nakita ko nang malapitan ang Barcelona Activa. Isa itong govern­ment-led initiative na sumusuporta sa mga bagong negos­yante. 

Matatawag itong one-stop-shop para sa startups at kini­kilala ito sa buong mundo dahil sa rami ng mga bagong negosyo at negosyanteng natulungan nang umangat.

Hindi nagkukulang sa ideya, konsepto, o talento ang Pilipinong negosyante. Kadalasan ay kakulangan sa kaalaman, suporta, at pondo ang mga dahilan kung bakit hindi naitutuloy ang magagandang konsepto at plano para sa isang negosyo.

Noong Biyernes, April 8, isinagawa namin ang RISE Challenge pitching event kung saan may 20 startup companies ang nagbahagi ng kani-kanilang vision at plano para sa kanilang sisimulang negosyo. Mula sa bilang na ito ay kukuha lamang ng 8 finalists na magtutuloy sa 12-week program at tatanggap ng suporta mula sa amin. 

Bilang tulong sa mga startup companies, magbibigay ang pamahalaang lungsod ng P500,000 equity-free grant sa mga startups na mapipili sa qualifying round. Ang perang ito ay magagamit na pangtustos sa kanilang negosyo habang kinukumpleto nila ang 12-week mentoring program mula sa ating mga dalubhasa.

Ito ay once-in-a-lifetime opportunity kung saan matututo sila tungkol sa finance, legal aspects, marketing, organization-building, at effective pitching mula sa pinakamagagaling na propesyonal. 

Higit sa lahat, pagkatapos ng 12 linggong intensive training ay ihaharap ang mga startup companies sa mga investor na magbibigay sa kanila ng pagkakataong ilunsad ang kanilang negosyo.

Ang paunang P200,000 ay ibibigay agad sa simula ng mentoring program; P150,000 sa ika-limang linggo kapag nakapagpakita na ang startup company ng minimum viable product at magkaroon ng unang paying customer; ang huling P150,000 ay ibibigay sa ika-siyam na linggo at kailangang may maipakitang pitching deck at forecast ng 12-month financial requirements.

Paghahanda ito para sa gagawing actual pitch sa mga investors bandang July ngayong taon. Tutulungan din namin ang mga startups na mai-rehistro ang mga bagong kompanya sa Makati. 

Sa mga bagong hamon na ating kinakaharap upang mapanumbalik ang sigla ng ekonomiya, inobasyon ang sagot at lunas. Buo ang tiwala at pananalig namin sa kakayanan, talino, at sipag ng negosyanteng Makatizen. Makaaasa po kayo sa patuloy naming suporta at pag-alalay.

GENERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with