Mga epekto sa paggamit ng plastic bag
ANG Pilipinas ay isa sa pinakamalakas gumamit ng plastic bag sa buong mundo. May apat na masamang epekto ito sa ating kalikasan at kalusugan.
1. Masama sa kalikasan – Ang plastic bag ay gawa sa non-renewable (hindi nabubulok) na bagay (polypropylene) at nagiging dahilan ng napakaraming basura papunta sa dagat at iba’t ibang panig ng mundo. Dahil ito ay napakagaan, nakararating ito ng malayo dahil sa hangin at tubig. Bukod sa basura, ang problema ay napag-kakamalang pagkain ng ibon, isda, at mga hayop. Libu-libong hayop na ang namatay dahil sa pagkain ng plastic dahil sa hindi matunawan. Nalalason din ang mga hayop dahil sa dioxin mula sa plastic.
2. Masama sa kalusugan ng tao at hayop – Ang plastic bags ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan natin. Dahil karamihan ng plastic ay napupunta sa dagat ay nakakain ng mga isda, kapag tayo ay kumain ng isda ay posibleng magdulot ito ng kanser at iba pang seryosong sakit sa atin.
3. Magastos – Hindi libre ang plastic bag. Dinaragdag ang presyo ng plastic bag sa presyo ng bilihin.
4. Ang plastic bag ay hindi madaling i-recycle - Ang 1 trillion plastic bags ay nagagamit taun-taon at may 8 million metric tons ng plastic na basura ang napupunta sa karagatan bawat taon.
Mga solusyon:
1. Gumamit ng bag na tela. Baunin ito kapag pupunta sa supermarket at palengke. Makatitipid dito.
2. Piliin at gumamit ng paper bag kaysa plastic bag.
3. Maging responsable tayo sa ating kapaligiran at kalusugan. Umiwas sa paggamit ng plastic bag para lahat tayo ay mabuhay nang mahaba.
4. Magdala ng baunan sa trabaho o kung bibili ng pagkain sa restaurant o karinderya.
- Latest