^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Smuggling ng gulay, lokal na magsasaka ang pinapatay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Smuggling ng gulay, lokal na magsasaka ang pinapatay

Patuloy ang pagdagsa ng imported na gulay sa bansa – karamihan ay produced ng China. Sa Divisoria at Blumentritt market, pawang imported na carrots ang itinitinda. Hindi maipagkakaila ang imported carrots sapagkat malalaki ang mga ito.

Hindi lamang carrots ang dumadagsa kundi pati na rin imported na luya, bawang, repolyo, cauliflower at pati strawberries. Patuloy ang vegetable smuggling at walang ibang namatay kundi ang mga lokal na maggugulay. Bigumbigo ang mga nagtatanim ng carrots sa Benguet sapagkat nawalan sila ng ikinabu­buhay. Ang dati raw 200 sako ng carrots na dinadala nila sa Maynila ay naging 100 sako na lang dahil sa bumaha na ang imported sa mga palengke sa Metro Manila.

Sabi ni Agot Balanoy, spokesperson ng League of Association at La Trinidad Vegetable Trading Area, P2.5 milyon ang nawawala sa mga magsasaka ng gulay partikular ang carrots dahil sa pagdagsa ng imported. Ayon pa kay Balanoy, 130,000 magtatanim­ ng carrots ang apektado ng smuggling. Sinabi rin niya na walang ginagawa ang mga kongresista para mapigil ang smuggling ng gulay. Wala umanong maa­asahan sa kanilang caretaker na pawang pangako lamang.

Sa hearing ng Senado noong Lunes, sinabi ng mga senador na may mga matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang ang mga pulitiko ang nasa likod nang malawakang smuggling ng gulay. Ginisa ng mga senador ang opisyal ng Department of Agri­culture at Bureau of Customs dahil sa pagbaha ng mga imported na gulay na karamihan ay galing China. Ayon sa mga senador, walang ginagawa ang DA at BOC sa nagaganap na smuggling ng gulay.

Noong nakaraang Disyembre 2021 sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na paiimbestigahan daw niya ang pagdagsa ng mga gulay. Ipakukumpiska umano niya ang mga ito. Wala raw siyang inaawtorisa sa DA na mag-import ng gulay at prutas. Subalit walang nangyari sa sinasabing imbestigasyon at hindi rin kinumpiska ang mga gulay bagkus dumami pa.

Kailangan pa ang masusing imbestigasyon sa DA at BOC kung bakit patuloy ang smuggling ng gulay. Sila ang dapat managot sa nangyayaring ito. Sila ang dahilan kung bakit nawawalan ng ikinabu­buhay ang mga lokal na magsasaka ng gulay.

GULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with