^

PSN Opinyon

Paulit-ulit na trahedya dulot ng korapsiyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Mabagal ang ayuda mula sa pambansang gobyerno. Inaasahan ang pribadong­ sektor na manguna sa pagmudmod ng gamot, tubig, pagkain, damit, kumot at gamit pambahay. Luhaang sinasalansan ng mga biktima ang maari pang ipangtayo ng bagong tirahan­. Nagtitiyaga sila sa mainit at masikip na evacuation centers. Sira ang hanapbuhay at pag-aaral. Nangangako ang mga opisyales ng tulong — habang ibinibintang sa kapa­laran­ ang sinapit ng madla.

Hindi kapalaran ng tao maging kawawa o sawi. Isinilang siya nang malaya at may dangal. Taglay niya ang potensiyal para maging matiwasay at kapaki-pakinabang. Karapatan niya ang kasaganahan.

Pero malaki ang balakid — ang bulok na sistema. Sa Malacañang naluluklok ang mga lumang politiko na walang bagong ideya. Hinihirang nila ang mga kapwa atrasado mag-isip bilang bureaucrats. Pinatatatag ang sariling dinastiya sa pinanggalingang pook. Kakampi sa bawat pro­binsiya at distrito ang mga kapwa “tra-po”, o tradisyonal na politiko. Sila-sila na lang palagi. Pinaparti-parti ang yaman ng bayan sa pamamagitan ng pork barrel at komisyon sa pampublikong kontrata. Nagtatakipan pa sila kapag nabisto sa katiwalian.

Hindi dapat paulit-ulit at taun-taon ang sakuna. Tungkulin­ ng mga lider ipatupad ang batas. Sa ligtas na lugar at was­tong standards dapat nagtatayo ng pabahay — hindi sa tabing-bangin, gilid ng ilog o pampang ng dagat. Pero doon sila dahil walang pondo ang lokal na gobyerno para sa maayos na lupa. Doon lang sila kung saan may komisyon ang opis­yal sa pagbili ng paglilipatan.

Kaya sa susunod na sakuna ubos na naman ang katiting na naipundar ng mga maralita. Aasa pa rin sa mga “tra-po”.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

DWIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with