^

PSN Opinyon

Pangasinan, mahigpit na binabantayan ni Gen. Obinque!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Wala nang private armed groups (PAGs) o gun-for-hire sa ngayon sa Pangasinan? Para kay Brig. Gen.Westrimundo “Patrick” Obinque, PRO1 director, magiging peaceful at orderly ang May elections sa Pangasinan dahil sa pagkumpiska, pag-deposit at pag-surrender ng aabot sa 287 na armas sa probinsiya ngayong 2022. Sa mga kusto­diya ng Pangasinan police ang mga armas na kara­mihan ay shotgun at may mataas na kalibre na M16 arma­lite rifle.

Sa assessment na isinumite ni Col. Richmond Tadina, Pangasinan PD kay Gen. Obinque, sinisiguro niya na wala nang PAGs o gun-for-hire sa sakop niya dahil sa pagkakapatay kay Raul Sison, ang lider ng criminal group sa probinsiya, kamakailan. Ayon kay Tadina, ang mga mi­yembro ng tropa ni Sison ay nag-lie low o nagtatago na. Subalit inutusan ni Gen. Obinque si Col. Tadina­ na ‘wag maging kampante at matyagan ang tropa ni Sison dahil tiyak mag-iiba ang sitwasyon sa Pangasinan kapag nagsimula na ang kampanya sa local candidates sa Marso 25. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Kailangan maging handa sa lahat ng oras ang Panga­sinan PNP at baka sumambulat sa kanila ang kaguluhan bunga sa mainit na labanan sa pulitika sa kanilang lugar. Dipugaaaaa!

Itinalaga ni Gen. Obinque si Col. Lito Gaces, ang PRO1 DDO bilang supervisor ng Pangasinan sa May elections at priority n’yang babantayan ang mga supporters nina Gov. Amado “Pogi” Espino lll at Ramon “Guapo” Guico. May kanya-kanyang supporters itong sina Pogi ng API political party at Guapo ng NPC, samantalang ang mga Independent na sina Rolando Jimenez at Carlos Padilla ay naghahabol din. Personal na kinausap ni Gen. Obinque sina Pogi at Guapo at nangako siya na maging parehas ang lahat ng batas na ipapairal ng kapulisan sa kanila. Tulad ng kautusan ni PNP chief Gen. Dionardo­ Carlos, na ang police security nina Pogi at Guapo ay mang­­gagaling sa PSPG sa Camp Crame at dapat naka-uniporme tuwing nagdu-duty. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Pinabantayan din ni Gen. Obinque kay Col. Gaces ang 2nd District ng Pangasinan kung saan mahigpit ang labanan nina Marcos Cojuangco ng NPC at Jumel Espino ng PDP-Laban. Si Cojuangco ay anak ng yumaong SMC chairman Danding Cojuangco samantalang si Espino ay nakakabatang kapatid ni Pogi. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Mismooooo!

Dinalaw na ni Gen. Obinque ang mga police stations sa 47 siyudad at munisipalidad ng Pangasinan para ipaalala sa mga pulis ang kautusan ni Gen. Carlos na dapat maging non-partisan sila sa May elections. At kapag tumalima lang ang mga pulis sa mga alituntunin na ibinaba ng Camp Crame, sinisiguro ni Gen. Obinque na maging matiwasay at walang kaguluhan na mangyayari sa 2022 elections kahit matindi ang labanan ng mga lokal na kandidato. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

OBINQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with