^

PSN Opinyon

Mga restoran mas sisigla paglipas ng pandemya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA pagluwag ng COVID-19 protocols nagbubukas na muli ang mga restoran. Pero kapos sila sa tauhan. Nangagsi-ibang hanapbuhay na ang mga dating cooks at waiters, o kaya na-recruit sa abroad.

Ang pagkain sa labas ay pandaigdigang trend. Malaking­ bahagi ng food budget ng pamilya ay pang-restoran. Mas madali mag-dine out. Wala nang pagluluto at hugasin. Ma­ra­ming pagpipiliang menu — mura lang. Nagkakasayahan ang mag-anak. At nakakausyoso sila sa ibang tao. Baka may makita pang celebrity.

Ang mga sinaunang restoran ay pang-komunidad. Tulung-tulong ang kababaihan ihanda ang nahuling hayop o isda ng mga lalaki. Kung ano ang ilatag sa mesa ay kaka­inin ng lahat; magugutom ang pihikan.

Mayayaman lang ang kumakain noon sa mansiyon dahil sa rami ng alilang tagaluto at tagasilbi.

Nauso ang orderan sa restoran nu’ng dumami ang middle-class. Napasyalan ko ang matatandang restoran ng Peking duck sa Beijing, seafood sa Shanghai, karnehan­ sa Xian (China), Baku (Azerbaijan), Istanbul (Turkey), at Prague (Czech Republic). De-kahoy o uling ang malala­king kalan at kawa. Kailangan malaki rin ang kusina. Pero maliliit lang ang apartments ng middle-class. Kaya dine-out miski magastos.

Nu’ng dekada-’70 nagsimula magkaroon ng food pro­cessors, microwave ovens, dishwashers at mga pampadali­ sa gawaing kusina. Nauso ang lutong-bahay. Nagpa-pot­luck parties ang mga tao.

Tapos nagmura ang karne, isda, gulay at ingredients. Nauso ang restaurant chains na may commissaries ng raw materials. Naging mura kumain sa labas. Ang malaking gastusin lang ng restoran ay advertising para takawin ang nanonood, nakikinig, nagbabasa sa media.           

Nu’ng simula ng pandemya puro take-out at delivery lang ang restoran. Miski matapos ang pandemya, patuloy na lalakas ang take-out/delivery kasabay ng pagbalik ng dine-in, anang mga eksperto.

PANDEMYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with