^

PSN Opinyon

Ma-una ka na! Tutal Ma-tapang ka Ma!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Naniniwala ako na ang Pilipinas ay dapat na maging “neutral” pagdating sa isyu ng Russian-Ukraine crisis. Ang tingin ko kay Russian President Vladimir Putin, may pagka-‘suicidal’.

Tila hindi nagbibiro at kapag tinopak, baka magunaw ang mundo dahil nukleyar ang pinag-uusapan dito. Kapag ang isang suicidal na tao lalo na’t lider, kapag nakanti, walang pakialam sa kahihinatnan.

Obvious naman, wala siyang respeto sa United States gayundin sa European Union. Kaya may banta na itabi ang mga international condemnation at kung sinuman ang maki­kialam, malilintikan.

Tayo sa Pilipinas, maliit na bansa at pinipitik-pitik lang ng parang kulangot ng China – may isang Ma-tapang na ale na lakas-loob kinukondena ang Russia sa panggigiyera nito sa Ukraine.

Hoy Mama, Nanay, Ale, Madam – easy! Sino ba ang writer mo at ganyan ang pinagsasabi mo? Imbes na “I condemn”, puwede naman sabihing “I appeal”. Sabi nga ng ating gobyerno, ipagdasal ang mga apektado, maging neutral at gawin ang lahat ng diplomatikong pamamaraan para umapela sa kaguluhan.

Tingnan ang lahat nang maayos na paraan, lahat nang magagawa sa pamamagitan ng pag-apela, sa pamama­gitan ng diplomasya para huminahon din ang president ng Russia. Mainit na nga, sasabayan mo pa na parang “may magagawa” ka talaga.

Baka po hindi mo masyadong naiintindihan ang sigalot at sitwasyong ito, maghinay-hinay ka po. Huwag masya­dong matapang lalo na’t hindi naman bagay.

Relax lang Ma, mag-focus ka muna sa iyong kam­panya. Malayo pa ang hahabulin mo, milya-milya ang pa­gitan. Kaysa naman bomoladas ka sa mga isyung hindi mo nauunawaan ang kahihinatnan ng iyong mga sinasabi.

Pero kung talagang ipipilit mo at talagang “nagma-ma­tapang ka,” mauna ka, sige larga sa Ukraine at saluhin mo ang mga missile!

vuukle comment

NEUTRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with