Sec. Año sa PNP, Peryahan ng Bayan ‘wag galawin!
HAPPY days are here again para sa gaming product na Peryahan ng Bayan (PNB). May katwirang magsaya ang mga management ng Globaltech, na nagpapatakbo ng Peryahan, bunga sa exempted sila sa kautusan ni Interior Sec. Eduardo Año na hulihin at ipasara. Nakarating kasi sa kaalaman ni Sec. Año na talamak ang jueteng operations at iba pang sugal-lupa sa Pinas kaya’t inutusan niya si PNP chief Gen. Dionardo Carlos na tuldukan na ang mga ito.
Sa kautusan n’yang hulihin ang mga managers, operators, agents at empleyado ng illegal numbers games, nilinaw ni Sec. Año na hindi kasali ang mga gaming products na may basbas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) o dili kaya’y ‘yaong may “final and executory court decisions/orders injunction and/or Status Quo Ante order, pursuant to Republic Act No. 9287, DILG Memorandum Circular 2010-100 and other relevant laws.” Dipugaaaaa! Hak hak hak! Sobrang suwerte ng Peryahan dito sa order ni Año, ano mga kosa? Mismooooo!
Sa pagkaalam ko kasi mga kosa, itong Peryahan lang ang may Status Quo Ante na iniutos ng Pasig City Regional Trial Court (RTC), na kinatigan naman ng Court of Appeals (CA) ilang taon na ang nakaraan. Sa kautusan ng CA, itong Quezon City lang at 15 probinsiya ang binigyan basbas na magbukas ng Peryahan.
Subalit sa panahon ni PNP chief at ngayon Senatorial aspirant Gen. Guillermo Eleazar, naging pitong probinsiya na lang ang ino-operate ng Peryahan dahil naagaw na ng Small Town Lottery (STL) ng PCSO ang ibang lugar o latag nila. Hindi lang ‘yan! Nagkaroon din ng arbitration itong Peryahan at PCSO dahil sa hindi pagbabayad ng utang ng una subalit na-delay ang paglabas ng desisyon bunga sa nayari ng COVID-19 ang isang kinatawan ng arbitration board. Araguuyyyy!
Ipinaliwanag naman ng management ng Globaltech na ang pambayad nila sa PCSO ay nakatago lang sa bangko habang dinidinig pa ang arbitration, di ba Chito Mañalac Sir? Mismooooo! Hak hak hak! Si Mañalac ang isa sa mga masayang nilalang sa ngayon sa Pinas, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!
Dahil sa kautusan ni Sec. Año, maraming financiers o kapitalista ang nagmamano kay Mañalac para makapagsimula sila ng Peryahan sa mga pili nilang probinsiya. Ang pakiusap lang ni Mañalac sa mga financiers, ‘wag nang pasukin ang mga probinsiya na may nakalatag na STL para makaiwas sila sa gulo. Kalimitan kasi ng mga probinsiya na may STL at peryahan ay nagkagulo lang at may pagkataon pa na nauwi sa patayan ang awayan nila. Mismooooo! Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!
- Latest