^

PSN Opinyon

Delikadesa na lang sana

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos na mismo nanggaling. Nasa Balesin siya para sa “private time” at hindi opisyal na kaganapan. Hmmm. Miyembro ba si Carlos ng Balesin o may nang-imbita sa kanya? Sa aking kaalaman­ ay eksklusibong lugar para sa mga miyembro ang Balesin at hindi makakapasok ang sinuman maliban kung inimbitahan ng miyembro o kung may malakihang event tulad ng kasal o conference. Hmmm.

Ayon sa clubshares.net ang kanilang buying price ng share sa Balesin ay P3 milyon kaya kung may mabili man siguradong mas mataas ang presyo. At kung “private time” naman pala ang ginawa roon, bakit sa opisyal na sasakyan ng gobyerno nagpasundo? Hmmm. Hindi ba mga sasakyan ng gobyerno ay “for official use only”? Hmmm.

Agad naman siyang dinepensahan ng PNP at DILG dahil hindi ito pinalampas ng mamamayan. Natural. Dahil­ hepe ng PNP, may karapatan daw siyang gamitin ang mga sasakyan ng PNP. Sabihin nang may karapatan siya bilang PNP chief. Baka delikadesa na lang sana dahil personal na oras ang dahilan kaya siya ay nasa Balesin. Ano ang sasa­bihin ng mamamayan kung ang hepe ng AFP ay madalas gamitin ang C-130 ng Philippine Air Force para makalipad sa kung saan-saan sa bansa dahil sa “private time? Karapatan ng AFP chief na gamitin nga ang eroplano, pero….

Si Sen. Panfilo Lacson na dati ring hepe ng PNP ay nagsalita na hindi nga maganda tingnan ang paggamit ni Carlos ng helicopter kung personal ang pinuntahan. Hindi raw siya gumamit ng PNP resources kabilang ang helicopter para sa mga personal na dahilan. May namatay at nasaktan nga sa aksidente at nawalan pa ng helicopter­ ang PNP. Parang lumalabas na kung hindi nangyari ang aksidente, walang makakaalam na nasa Balesin si Carlos at nagagamit ang PNP helicopter na pansundo.

Wala namang aalalahanin si Carlos sa nangyari. Parang walang inaalala noon si dating PNP chief Gen. Debold Sinas matapos ang kanyang party sa kasagsagan ng pandemya. Lahat iyan mababaon lamang sa limot o walang mananagot kahit may imbestigasyon pa.

Naaalala ko tuloy ang iskandalong “Euro Generals” noong 2008. Nahulihan sila ng €150,000 at P6.9 milyon sa Moscow International Airport. Kung hindi nahuli ang napakaraming dalang pera, makakalusot na sana sila. Nagkaroon ng imbestigasyon, maraming naungkat, may rekomendasyon na kasuhan ng patung-patong na paglalabag silang lahat pero sa kinalaunan ay inabsuwelto noong 2019 at walang pananagutan. Ganun talaga.

DIONARDO CARLOS

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with