^

PSN Opinyon

Mga kandidato, nilalabag ang health protocols  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA Marso, may posibilidad na aalisin na ang alert level sa National Capital Region dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19. Kapag inalis ang alert level, magbubukasan na ang mga negosyo at tiyak na sisigla ang kalakalan at mababawasan na ang gutom na dinanas matapos manalasa ang pandemya. Sabi ni DTI Sec. Joey Concepcion, Presidential Adviser on Entrepreneurship “We recommended moving to Alert Level 1 sana by March. Matagal na itong sitwasyon natin sa pandemya na on and off ang economy natin. ‘Yung projection ang Octa Research ay talagang bumababa na ang kaso.”  

Kaya paalala ni Concepcion sa mga trabahador na magpabakuna na, upang maging ligtas sa banta ng COVID. Maging si DOH Usec. Maria Rosario Vergeire ay nagpahayag na  maghinay-hinay muna sa pagluluwag o pagpababa ng alert level dahil hindi pa lubos na nawawala ang banta ng COVID-19 sa Metro Manila at ibang lalawigan. Kaya hinimok nito ang lahat na magpabakuna na at magpa-booster shots. Umaarangkada naman ang pediatric vaccination sa Metro Manila. Mga kabataang edad 5 hanggang 11 ang binabakunahan. Ang masaklap, may ilan pa rin na komokontra sa program. May umaapela na pigilan ang mass vaccination sa mga kabataan. Alam na alam yan ni PAO chief Persida Acosta dahil maski siya ay hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID.

Samantala, may mga kandidato naman na nilalabag na ang pinaiiral na health protocols sa kanilang pangangampanya kaya nagbabanta ang hawahan ng COVID. Dapat maghinay-hinay muna ang lahat sa pagkukumpulan at pakipagsalamuha sa political rallies para maiwasan ang hawahan ng COVID. Baka sa halip na biyaya, virus ang inyong masalo mula sa mga inihahagis ng pulitiko. Mag-ingat at baka sakit ang maiuwi sa inyong mga tahanan.

HEALTH PROTOCOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with