^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mababang potassium

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Isa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang potassium. Masama ito kapag labis at masama rin ito kapag kulang. Kailangan natin ang potassium para sa normal na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan.

Marami na akong nakitang pasyente na nadisgrasya dahil lamang sa mababang potassium. Ang tawag ng doktor­ dito ay hypokalemia.

Ano ang dahilan ng mabababang potassium?

Ang pangkaraniwang pinanggagalingan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Dahil dito, lumalabas ang potassium sa ka­tawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay may diprensiya ang bato (o kidneys) kaya lumala­bas din ang potassium sa ihi.

Kung kayo ay mahilig uminom ng mga pampadumi, pampaihi o pampapayat, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Kung mahilig kayo sa colon cleansing, puwede rin bumaba ang potassium. Ang sobrang pag-e-ehersisyo at pagpapawis ay puwedeng makababa rin ng potassium.

Ano ang sintomas?

Ang sintomas ng mababang potassium ay ang pang­hihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso. Nag-uumpisa ang panghihina sa may paa at uma­akyat ito ng dahan-dahan hanggang sa ma-paralisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ikamatay agad.

Paano ginagamot ang mababang potassium?

Kapag malala na ang lagay ng pasyente ay kailangan nang dalhin sa ospital para mabigyan ng potassium sa dugo. Ngunit kung nag-uumpisa pa lamang ang panghihina ay puwede muna kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, patatas, kamatis, orange at broccoli.

Ang mga pagkaing ito rin ang magandang paraan para makaiwas sa pagbaba ng potassium. Ang Gatorade ay may potassium din. May tableta din na binibigay ang mga doktor, ang potassium tablets (brand name Kalium) na mabilis magpataas ng potassium.

Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng 2 saging sa bawat araw. Tandaan: Two bananas a day can keep the doctor away.

Kumunsulta sa doktor kung kayo ay nanghihina. Ipapasuri ng doktor ang iyong Potassium level (isang blood test) para malaman kung mababa nga ang iyong potassium. Kung kayo ay may sakit sa bato o may kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing mataas sa potassium. Good luck po.

BANANA

DOKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with