^

PSN Opinyon

Buhay mongha: Noon at ngayon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Marami sa atin nanatili sa bahay, nag-pandemic self-isolation nitong nakaraang 20 buwan. Malimit tahimik lang, tinititigan kung anu-ano sa silid. Nakabisa na natin bawat mantsa sa kisame, sira sa pader at biyak sa sahig. Nasanay na tayo sa ‘yon at ‘yon ang sinusuot na shorts, palda, kamiseta o duster pambahay. Para tayong “buhay mongha”.

Ang “mongha” ay halaw sa salitang Greek para sa “mag-isa”. At ‘yon ang ginagawa ng mga sinaunang ­mongha – nabubuhay at nagtatrabaho sa liblib na mo­nasteryo, walang labasan; pare-pareho ang suot; de-oras ang mga kilos, gawain, dasal, kain, dasal pa muli, at tulog.

Nakababagot ang buhay nila, bangon ng 6:00 a.m. hanggang tapos ng trabaho sa 7:00 p.m. Nagkakainisan sa maliliit na mali at ugali – pati anghit, utot, hilik – ng isa’t isa. Kaya para walang gulo, gumawa sila ng mga alituntunin. Mala-libro ang dami ng atas na sinulat ni St. Benedict nu’ng 6th century tungkol sa wastong pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho; ginagamit ang ilan du’n sa modernong buhay-opisina. Isa ru’n: bawal mang-abala habang kumakain.

Mas nauna ang ilang gabay ni St. Pachomius, 4th century, tulad ng huwag gupitan ng buhok ang iba hangga’t walang utos. Para sa Trappist monks, lahat ng bukambibig ay maaring makasakit sa kapwa, kaya hindi sila nag-uusap. Isang trabaho noon ng monks kopyahin nang sulat-kamay ang mga sinaunang manuscripts (wala pang imprenta noon). Maling pamamaraan na ang mga pinagkokopyahan nila, imbes na ang orihinal, ay mga kopya rin.

Kasi may mali sa unang pagkopya, mauulit-ulit ito at darami pa sa paglipas ng daan-daang taon. Binulong sa akin ng isang palabirong pari na isang sinaunang gabay sa kanila ay “huwag magsawa habambuhay.” Nagkamali raw ang isang mongha sa pagkopya, at ang naisulat-kamay ay, “Huwag mag-asawa habambuhay.” Kung totoo, napakasaklap na pagkakamali ‘yon; dapat nakapagparami ng lahi ang mga mongha.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM.

DWIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with