P25 milyong katapat ng withdrawal sa pagka-governor ng Abra?
Tinatapalan umano ng P25 milyon si dating Abra governor Eustaquio “Takit” Bersamin upang i-withdraw ang kanyang kandidatura bilang nagbabalik na governor.
Mismong si Bersamin ang nagkumpirmang may lumapit sa kanyang kapitan bilang sugo ng makakalabang pulitiko upang mag-withdraw sa eleksyon.
Pero sabi ni Bersamin, walang mangyayaring pag-withdraw. Ipinangako niya na hinding-hindi ipagpapalit ang integridad at pagmamahal sa probinsiya lalo na raw kung ang halaga ay galing sa nakaw na yaman. Sabi raw ni Bersamin, hindi lahat ng tao ay mabibili.
Aminado si Bersamin na binabagabag ng pinapakalat na “aregluhan” ang wagas na pagbabago sa Abra. Malaking epekto ito sa kaisipan ng mga mulat sa kabulukan sa probinsya. Ngunit ang lalong nakababahala ay ang usaping aregluhan tungo sa karahasan habang papalapit na ang Mayo 2022.
Hindi na bago ang karahasan sa Abra sa panahon ng eleksyon. Ayon sa PNP binabantayan nila ang probinsiya dahil sa mga nakaraang election-related violence at warlordism.
Marahil nabawasan sa mga nakaraang eleksyon ang tunggalian ngunit malaki ang posibilidad na manumbalik ang “guns, goons and gold” sa darating na kampanyahan sa Pebrero.
May pag-asa pa ba Abra?
* * *
Para sa suhestiyon: [email protected]
- Latest