^

PSN Opinyon

Tito Sotto, maraming naitulong sa kapwa Pinoy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Maraming naitulong sa kapwa niya Pinoy si Senate President Tito Sotto, lalo na sa aspeto ng calamity funds. Alam n’yo naman mga kosa na ang Pinas ay nasa typhoon belt kaya lampas pa sa 20 bagyo ang bumabayo sa ating bansa kada taon at kalimitan ay nagbubuwis ng kanilang buhay ang ating kababayan at bilyones din ang iniiwang pinsala, lalo na sa agricultural crops. Lahat nang ito ay namonitor ni Sotto noong vice mayor pa s’ya ng Quezon City kaya noong naging senador na siya ay pinangunahan niya ang pag-akda sa R.A. 8185 o ang batas tungkol sa paggamit ng calamity funds ng gobyerno. Dahil sa sinapit ng ating bansa sa bagyong Odette, nasabi ng mga kosa ko na may ginawa naman si Sotto at nakikinabang ang kapwa nating Pinoy. ‘Ika nga, walang silbi ang mga puna ng mga trolls sa social media na; “ano ba ang nagawa mo Sotto?” Hihihi! Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na malaki ang pakinabang ng mga Pinoy kay Sotto tuwing may bagyo o ano mang klaseng sakuna. Dipugaaaaa!

Sa totoo ang, isa si Sotto sa mga senador na nagtulak para dagdagan ang calamity fund ng gobyerno ni President Digong sa taong 2021. Kasi nga naman sa sobrang dami ng sakunang dumadaan sa Pinas tulad ng bagyo, itinulak ni Sotto na dagdagan ang pondo para matulungan ang mga biktima ng mga kalamidad. Kung tutuusin, kulang talaga ang inilaang P20 bilyong calamity fund sa dami ng kalamidad na tumatama sa bansa kada taon. Hindi ba’t may average ng 20 bagyo na tumatama sa bansa kada taon? Kung malaki ang pinsala ng bagyo, tulad nitong iniwan ni Odette sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao at sa Southern Luzon, aba’y kulang na kulang pa ang P20 bilyong calamity fund na yan, di ba mga kosa? Kaya nga itinutulak noon ni Sotto dagdagan pa ng P10 bilyon ang calamity funds para naman mas malaki ang maibigay ng pondo sa bawat local government units (LGUs) na nasa forefront ng pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!
Kamakailan, nais ni President Digong na i-repeal o bawiin ng Kongreso ang batas kaugnay sa pagdedeklara ng state of calamity sa Pinas dahil, aniya, sagabal lamang ito ­bunga sa kailangan munang makita ang assessment o ulat sa pinsala sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Ang tinutukoy ni Duterte ay ang Republic Act No. (RA) 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 kung saan nakapaloob ang pagdedeklara ng state of calamity. Pero para kay Sotto, hindi naman daw kailangan ng pangulo na magdeklara ng state of calamity para mapabilis ang emergency operation sa panahon ng kalamidad. Aniya, ang kailangan lang ay amiyendahan ang Local Government Code kung saan bibigyan ang local council ng kapangyarihan na magproklama ng localize state of calamity at i-tap ang emergency funds. Hihihi! May punto si Sotto dito ah! Abangan!

SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with