^

PSN Opinyon

Zero-injury

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Nasa ika-19 na taon nang pinaiiral ang ban on firecrackers at pyrotechnic materials dito sa Davao City lalo na tuwing Christmas Eve, New Year’s Eve at maging Chinese New Year.

Nasanay na rin kaming mga Dabawenyo na ipinagbabawal nga ang paputok dito at dama namin ang positibong resulta nito lalo na at parati kaming zero-injury sa mga sinasabing selebrasyon.

Parati na lang walang dinadala sa mga emergency rooms ng mga ospital dito tuwing Christmas at New Year’s eve.

Ganito ‘yon — “The ban on firecrackers and pyrotechnic materials is provided in City Ordinance No. 060-02 of 2002 which prohibits the manufacture, sale, distribution, possession, use as well as the transport of pyrotechnic devices and explosives within the territorial jurisdiction of the city.

Former Davao City mayor and now President Duterte, initially banned the sale of firecrackers and pyrotechnics in 2001 through an executive order.”

Hindi lang ang firecrackers ban ang pinapairal dito sa amin ngunit nasanay na rin at sumusunod naman kami sa iba pang local ordinance dito gaya ng smoking ban sa mga naninigarilyo sa mga publikong lugar at maging ang speed limit sa mga lansangan.

At matagal na ring umiiral ang liquor ban dito sa Davao City na may mga oras lang pinahihintulutan ang pagbebenta ng inumin.

Sinusunod naman naming lahat ang mga lokal na patakaran at wala naman kaming nakikitang problema kay hindi kami nagrereklamo para naman din sa kapakanan naming lahat ang mga ito.

CHRISTMAS EVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with