^

PSN Opinyon

Jueteng sa Cagayan, sino ang kumikita?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sino kaya ang kumikita sa laganap na jueteng sa Cagayan, na nagtatago sa Small Town Lottery (STL) ng gobyerno? Magandang tanong ito ah, di ba mga kosa? Siyempre, ang kasagutan d’yan ay ang Charity Games of Chance Corporation (CGCC), ang dating authorized agent ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dahil sila ang nasa likod ng jueteng. Kaya kumikita sila dahil hindi naman saklaw na ng PCSO ang operation ng CGCC kaya ang kubransa nila ay diretso na sa bulsa ng management.

Wala nang tina-turnover na salapi ang CGCC sa PCSO dahil hindi naman sila binigyan ng resumption order ni PCSO General Manager Royina Garma. Kaya naman isinubo natin ang katanungan na nasa itaas dahil marami ang nagtataka sa mga kosa ko kung sino ang nakikinabang  sa STL kuno sa Cagayan na jueteng na ang kinalabasan?

Hihihi! Sino na ba ang may pakinabang sa jueteng ng CGCC? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Ikinakalat kasi ng kampo ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na hindi sila tumatanggap sa STL. Hihihi! May punto naman sila kasi nga hindi na STL ang palaro sa probinsiya kundi jueteng, di ba Mang Robert Sir? Si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ay nag-utos naman ng “no take policy” laban sa illegal gambling at iba pang palaro. Hak hak hak! Sori mga kosa, di ko napigilang tumawa.

Kung hindi tumatanggap ang kampo nina Gov. Mamba at Gen. Carlos, eh di tiba-tiba ang jueteng ng CGCC, na ang mga opisyales ay puro retired na heneral ng PNP at militar. Araguuyyyyy! Teka nga pala! Sa mga kakosa ko d’yan sa Cagayan, naniniwala ba kayo na walang padulas ang jueteng ng CGCC kay Gov. Mamba o sa PNP? Ano ba ‘yan? Dipugaaaaa!

Sa ngayon, hindi lang jueteng ng CGCC ang umiiral na palaro sa Cagayan dahil bumalik na rin ang Peryahan ng Bayan (PnB). Matatandaan na pinalayas ng provincial director ng Cagayan ang PnB dahil walang authority ito na mag-operate sa probinsiya. ‘Ika nga, ilegal din itong PnB, di ba mga kosa?

Kung ilegal ang PnB at maging ang jueteng ng CGCC, eh babalik na naman ang katanungan na sino ang ­kumikita sa operation nila? Hihihi! Nagmukhang bola-bola kamatis na itong kumakalat na balita na walang pakinabang ang kampo ni Gov. Mamba at ng PNP sa jueteng ng CGCC at PnB, di ba mga kosa?

Dapat sigurong ipasara nina Gov. Mamba at Gen. Carlos itong jueteng ng CGCC at PnB para maniwala ang mga Pinoy na talagang wala silang pakinabang sa kanila. Kaya lang, next to impossible na ‘yun dahil malapit na ang May elections. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

JUETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with