^

PSN Opinyon

Buking dahil sa food poisoning

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Una sa lahat, bumabati muna ako ng Merry Christmas sa lahat.

Totoo  ba ito? Dahil daw sa food poisoning, nabuking na “binabayaran at ginagamit sa pulitika” ang dalawang organisasyon sa lalawigan ng Quezon. Ito ang alegasyon ng mga taong bumabatikos kay Quezon Governor Danilo Suarez, bagay namang pinabulaanan ng dalawang orga­ni­sasyon.

Walang bago. Ganyan naman ang gawi ng ilang puli­tiko bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang political ma­chi­nery, hindi ba? Ang kuwestiyunable lang ay ang pinag­­mumulan ng pondong pambayad. Kung ito’y mula sa kaban ng bayad, aba eh, palso Iyan at dapat siyasatin!

May 111 katao, kabilang ang ilang empleyado ng Capi­tolio ng Quezon Province ang na-food poisoning kamaka­ilan at isinugod sa pagamutan sa Lucena. Naganap ang insidente sa Quezon Convention Center kahapon. Ang okasyon umano ay ang distribusyon ng salaping honorarium sa trabaho nila.

Ang maraming biktima umano ay kabilang sa Provincial Union of Leaders against Illegalities (PULI) at Luntiang Kati­punero (LK) mula sa mga bayan ng Infanta, Tagkawayan­, Tiaong, Calauag, Guinayangan, San Francisco, Dolores, Pagbilao, Lucban, Atimonan, Perez, Panukulan, Cande­laria­, Mauban, Lopez, Sariaya, Plaridel, Burdeos, Perez, Polillio­, Sariaya, Quezon, lunsod ng Lucena at Tayabas.

Sa kanyang Facebook account, si Governor Danilo Suarez ay humingi ng paumanhin at pang-unawa sa mga nalason at sinabing isolated cases lamang ang mga ito. Makaraang mag-almusal ng pritong itlog, hotdog at kanin, bigla umanong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa nag­suka ang mga biktima.

Ang mga ito ay isinugod ng mga ambulansya sa Quezon Medical Center at ini-admit sa mga kuwarto na noon ay pinaglagyan ng mga COVID patients matapos lapatan ng paunang lunas. Kaugnay nito, malakas ang mga alegasyon na ang LK at PULI ay ginagamit ng mga Suarez sa kanilang pamumulitika, bagay na kanila namang pinabubulaanan.

Samantala, inaalam pa ang katotohanan sa likod ng ulat na ang catering services na ginamit sa okasyon ay pag- aari diumano ni Tina Talavera na umaaktong hepe ng Provincial General Services Office.

MERRY CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with