^

PSN Opinyon

Mga dapat bantayan sa kampanyang lokal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa Marso pa ang kampanya para sa lokal na halalan, pero naka-kasa na ang mga kandidato. Meron sa atin na nakapili na o nagsimula nang kumilatis ng mga iboboto. Mahalaga ang wastong desisyon. Direkta ang epekto sa buhay natin ng ihahalal na governor, provincial board members, mayor, councilors at mga vice. Mahigit 100,000 ang naggigitgitan para sa 18,000 posisyon.

Bantayan ang mga naka-puwesto na kumakampanya para sa sarili o sa kamag-anak. Lamang sila sa mga oposisyon at independents, ani Comelec spokesman James Jimenez. Maaring gamitin sa kasamaan ang kalamangang ito. Kaya maging mapagmatyag, aniya.

Halimbawa, may kontrol sa mga pulis ang incumbent local officials. Maari nilang kasangkapanin ang pulis para limitahan ang pagkilos at pag-iikot ng karibal na kandidato at tagasuporta nito. Gasino na lang na mag-granular lockdown o lockout o ipitin sa checkpoint ang mga kalaban. Mauubos ang oras ng huli sa kahihingi ng rally permit at pakikipag-argumento sa mga pulis.

Nanawagan si Jimenez sa media at sa mga botante na maging mas mapanuri sa kampanya ng incumbents. Bagamat deputized ng Comelec ang pulisya tuwing halalan, maaring maging partisan ang huli. Kokonti lang ang Comelec field officers at staff. Pero sana mabilis mai-report sa kanila ang katiwalian para maaksyonan agad.

Isa pang dapat bantayan ang election spending. Madali nang masuri ang gastos sa social media advertising. May feature na ang Facebook na naglilista ng petsa at oras ng ads, magkano, at sino ang nagbayad. Mababatid doon kung labis ang ginasta ng kandidato, at kung kani-kanino siya may utang na loob. Maging alerto kung, kapag nanalo, i-appoint o balatuhan niya ng overpriced na kontrata ang contributors.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

KAMPANYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with