^

PSN Opinyon

Kawawa ang mag-iina (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

AGAD pinaalis si Ernie sa tinitirhan nila ng mag-iina at pinagbawalang lumapit ng may 500 metro mula sa gate ng kanilang bahay. Pinatigil din sa kanya ang pagdadala ng baril o ibang armas na magagamit sa kanila at pinasuko ito sa korte para sa tamang disposisyon.

Kahit umapela si Ernie, parehas pa rin ang naging hatol ng Court of Appeal sa RTC. Ayon pa sa CA, nakasaad sa Sec. 4 ng VAWC na hindi limitado ang salitang mga anak sa bata lang kaya puwede itong tumukoy sa mga anak ng mag-asawa na nasa hustong edad.

Kaya inakyat ni Ernie ang usapin sa SC kung saan kinukuwestiyon niya ang naging desisyon ng CA lalo at lampas daw 18-anyos na ang kanilang mga anak pati hindi maituturing na karahasan ang kaniyang ginawa ayon sa Section 3(h) ng batas lalo at ang nakasulat doon ay patungkol sa mga anak na wala pa sa 18-anyos pati hindi kayang pangalagaan ang sarili.

Kinatigan ng SC ang hatol ng CA. Wala naman daw nakasulat sa RA 9262 o sa VAWC na pinaghihiwalay sa batas kung ang anak na binibigyan ng protection order sa ilalim ng Section 8(d) ay dapat na bata o may edad na. Ang malinaw na nakalagay, dapat na parte sila ng pamilya at posibleng tumanggap ng protection order.

Katunayan, sa ilalim ng Section 4 (c) ang nakalagay lang sa batas ay mga miyembro ng pamilya tulad ng mag-asawa, magulang nila, mga anak nila, at kung sino pa na ninuno o kaapu-apuhan, tunay na kapatid o kapatid lang sa ama/ina at kasama sa bahay.

Malinaw naman ang pagkakatukoy sa batas (Section 3 (h) at Section 8(d)) kung sino ang tinuturing na “anak”. Pati kung sino ang mga miyembro ng pamilya na kailangan­ ang protection order para sa proteksiyon ng biktima at para maiwasan na magulo ang kayang araw-araw na buhay. Hinihingi ng RA 9262 ang mas maluwag na interpretasyon sa batas para sa kapakanan ng pamilya at para protektahan sila laban sa karahasan at panganib.

Kaya kinatigan ng SC ang desisyon ng CA maliban at binago ng kaunti dahil idinagdag ang tungkol sa pagsasailalim sa counselling ni Ernie mula sa isang ahensiya o kahit sa isang eksperto na sanay sa anger management (Estacio vs. Estacio, G.R. No. 211851, September 16, 2020).

COURT OF APPEAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with