^

PSN Opinyon

Bakunang tradisyonal, mRNA pinaghalo sa ibang bansa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Tatlong taong gulang ang munting kompanyang Moderna nu’ng 2013 nang kontratahin ng gobyerno ng America na saliksikin ang messenger-RNA na bakuna. Sa halagang $25 milyon, ang produkto ay pangontra sa biological warfare. Nagbunga ang pag-aaral makalipas ang walong taon. Ang mRNA vaccine ng Moderna ang pinaka-mabisa – 95% efficacy – sa walong bakuna na panlaban ngayon sa pandemyang COVID-19.

Sa teknolohiyang mRNA, tuturuan ng “messenger” na itinurok sa braso ang katawan na gumawa ng protein o piraso nito na hawig sa tunay na C-19 coronavirus. Kapag matunugan ng antibodies ng tao na may alien protein, agad lalabanan ito at bubuo ng army ng antibodies para pangontra sa ibang darating pang kalaban. Ganun nagkaka-immunity o panangga ang katawan. Kapag naimpekta ang bakunado ng totoong C-19, handa na ang antibodies sa bakbakan.

Messenger-RNA rin ang bakuna ng Pfizer-BtoNTech, gawang America at Europe. Mas mababa nang konti ang efficacy – 90%. Halos ang dalawang mRNA lang ang itinurok sa America at Canada. Deep-freeze ang pam-preserve ng vials.

Iba ang tradisyonal na bakuna na inimbento 200 taon na ang nakalipas. Sa lumang paraan, pinahina, pinatulog o pinatay na virus at bacteria mismo ang itinuturok. Ganundin, agad itong lalabanan ng antibodies, na magpaparami pa para handa sa iba pang kalaban. Dahil malamya lang ang virus o bacteria na itinurok, madali itong magapi – para magkaroon ng immunity ang katawan.

Anim ang tradisyonal na bakuna sa C-19: AstraZeneca, Novavax, Johnson & Johnson/Janssen, Sinovac, Sinopharm, at CanSino. Ang efficacies nila ay naglalaro sa 51-78%. Ordinaryong freezer lang ang sisidlan. Lahat aprubado ng World Health Organization, maliban sa CanSino. Sa Canada at Spain napatunayan na mas mabisa paghaluin ang tradisyonal at mRNA. (Bukas: Sinaunang paraan ng pagbakuna)

MRNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with