Mga payo para maging malinaw ang mga mata
Narito ang mga mahahalagang payo para maging malinaw ang mga mata.
Kumain nang maraming gulay at prutas lalo na ang mga berdeng talbos ng gulay dahil mayaman ito sa anti-oxidants, vitamin A, C, E. Subukan ang carrots, kahel, kangkong, kamatis, kamote, manga at melon.
Kumain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tamban, tawilis, dilis, hito, hipon, salmon, alumahan, tuna, tambakol, tanigi, tulingan at salinyasi.
Magsuot ng sunglasses para masala ang ultraviolet A at B rays.
Sa pagtatrabaho, magsuot ng eye protection glasses kung may gagawin na delikado sa mata.
Huwag manigarilyo.
Ipagamot ang mga sakit tulad ng high blood, diabetes at alamin ang sakit sa pamilya.
Magpa-check-up ng mata. Kung edad 40 pataas, kailangan kada 2-4 taon, sa edad 60 pataas kada 1-2 taon.
Lakihan ang sulat sa mga gamit at telepono.
Lagyan ng mga colored tapes sa hagdan para hindi mahulog.
Kailangan ang saksakan o electrical outlet at switches ay nakikitang mabuti.
Uminom nang tamang dami ng tubig para maiwasan ang dry eyes.
- Latest