Kung walang sala, mag-eksplika
Political season ngayon. Kapag inakusahan ang sinumang pulitiko ng anumang krimen, convenient alibi na ang akusasyon ay politically motivated. Pero totoo man ang akusasyon o hindi, kung may nagharap ng reklamo sa piskalya o Korte, ito’y dapat sagutin para malinis ang pangalan ng akusado. Iyan ay kung wala siyang kasalanan.
Habang wala pang naisasampa sa kaukulang Korte, may pagkakataon pa ang inaakusahan na magpaliwanag sa media dahil kapag ito’y pormal nang naisampa, magiging subjudice na at hindi na puwedeng magbigay linaw sa publiko. Ang lahat ng usapan at paliwanagan ay sa loob na ng Korte gagawin. Laman na ng mga pahayagan ang balitang ito sa nakalipas na mga araw.
Ito’y tungkol sa kasong kriminal na isinampa laban kay Quezon Province Gov. Danilo Suarez at kanyang anak na abogada na umano’y nagtangkang umareglo sa halagang P3 milyon para mag-urong ng demanda laban sa isang konsehal ng lalawigan na sinasabing dumukot at gumahasa sa biktima.
Tumanggi umano sa areglo ang biktima at ang ina nito at mas ninais ituloy ang demanda para makamit ang hustisya. Hindi nararapat ang trial by publicity kaya ang panig ng inirereklamo ay dapat ding maging laman ng balita para maging balanse.
Iniharap ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. sa pamumuno ni Prof. Salvador Singson-de Guzman si Anamarie Santiago, tiyahin ng biktima ng kidnapping, serious illegal detention at rape ni Lopez, Quezon councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde.
Sa sworn statement ni Anamarie Santiago bago niya sinamahan si Atty. Joana Suarez, anak ni Gov. Suarez sa bahay ng ng biktima at pinsang si Rose Rosario Tapiador sa Pasig upang tangkaing suhulan at aregluhin ang kaso, ay “ipinadukot” muna siya ni Gov. Suarez sa tatlong bodyguard niya noong madaling araw ng Setyembre 22, 2021.
Seryoso ang alegasyon kaya hindi dapat manahimik si Gov.
- Latest