Ang malaking papel ng kabataan sa #Halalan2022
Kakaiba na naman ang ating pagdiriwang ng Pasko ngayong taon. Hindi lang dahil sa pandemya, kundi dahil na rin sa paparating na national elections. Kung akala nati’y puro sa online shopping lang tayo magkakagulo tuwing Kapaskuhan, magiging mainit din ang mga tao sa social media hinggil sa debate kung sinu-sino nga ba ang nararapat nating maging bagong pinuno.
Hello, #Halalan2022!
Mukhang ito na nga ang ating magiging unang halalan sa bansa kung kailan may sumisiklab ding pandemya. Sa huling COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia na inilabas noong October 6, panghuli ang Pilipinas sa 121 na bansa pagdating sa infection control, vaccination, at mobility. Magiging malaking bahagi nga ang pandemya sa pagdedesisyon ng mga awtoridad tungkol sa isasagawang eleksyon, kung saan kailangang pumunta ng botante sa mga voting precinct para bumoto.
Sa pagtatapos ng Setyembre, nakapagtala na ang Commission on Elections (COMELEC) ng 63.36 milyong registered voters para sa darating na eleksyon. Inaasahan pa itong tumaas sa pag-extend ng sign-up period hanggang sa ika-31 ng Oktubre.
Kitang-kita na nga rin sa mga balita noong mga nakaraang buwan ang pagdagsa sa mga opisina at COMELEC at pati na rin malls, ng mga gustong magparehistro. Sana ganito rin ang mangyari pagdating ng mismong halalan.
Ngunit sa pag-init ng usapang pulitika at halalan kamakailan, ang tanong pa rin ng marami: Paano natin makukumbinsi ang ibang bumoto? At paano natin matutulungan ang isa’t-isa sa pagdedesisyon kung kaninong mga pangalan ang dapat isulat sa balota?
Para tulungan tayo sa mga tanong na ito, nakapanayam ko sa aming Pamilya Monday episode sina University of the Philippines Department of Political Science analyst at researcher Dr. Aries Oasan, NowYouVote2022 program head Josh Mahinay, at GoodGovPH founder Dexter Yang.
Paghahanda sa halalan
Gaano nga ba ka-kakaiba ang paparating na halalan kumpara sa mga nauna? Una, asahan daw na mas dadami pa ang bobotong mga millennial at GenZ. Ito’y bagama’t wala pang mga tiyak na detayle kung paano isasagawa ang pagboto dahil na nga sa pandemya,
Sabi ni Oasan, pwede raw gawing modelo para sa darating na halalan ang measures na ipinatupad noong 2021 Palawan division plebiscite.
“We have the usual efforts of people from barangays or schools to maintain physical social distance on campus. They try to control ilan iyong papasok sa loob ng school grounds. They also made use of UV (ultraviolet) rays, a way of cleaning up or disinfecting. Ganoon din sa registration, may UV boxes. Of course, the usual alcohol here, left and right.”
Posibleng maging negatibo rin daw ang kalabasan ng pagiging masyadong istrikto ng awtoridad pagdating sa social distancing measures sa mismong eleksyon. Ito raw ay ang tinatawag na voter’s disenfranchisement.
Paliwanag ni Oasan, “Ibig sabihin noon, iyong gusto mo nang bumoto on the day of the election. Nag-travel ka na. Balak mo nang pumunta sa school, and yet, ikaw ay napipigilan. Dahil ikaw ay napigilan, hindi ka na bumoto on that day.”
Posible rin daw may mabiktima ng fake news ukol sa halalan kung saan mas nanaiisin na lang daw nilang pumirmi sa bahay at wag nang bumoto. Gayunpaman, kahit puro alinlangan at takot ang hatid ng paparating na eleksyon, kailangang pagsikapin pa rin nating makaboto.
Ang pag-asa ng ating bayan
Nakapagtala na ang COMELEC ng 63 milyong botante sa bansa. Limang milyon umano sa mga bagong dagdag dito ay ngayon palang unang makakaboto o first time voters. Ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan, sabi nga ni Gat Jose Rizal, bilang malaking porsyento sa first time voters na ito ay nasa 15-24 taon lamang.
Karamihan ng nasa grupong ito ay mga “digitally wired and interconnected,” sabi ni Dr. Arugay. Ito ang henerasyong hindi na lamang nakakakuha ng impormasyon sa mga tradisyonal na media gaya ng dyaryo, telebisyon, at radyo. Babad sila sa online channels gaya ng social media, lalo nang pumutok ang pandemya at naging limitado ang paglabas-labas ng mga tao.
“Kaya kung titingnan mo, most candidates would count on the votes of the younger generation, kasi alam nilang marami yan. And usually, these are the idealistic members of the population. They want change… at very observant sila,” sabi ni Dr. Arugay.
Kaya naman magiging malaking pagsubok talaga ang pagkumbinsi sa mga kabataan para bumoto.
“Mahalaga rin po na yung approach natin is strategic,'' dagdag naman ni Mahinay. Miyembro sya ng NowYouVote22, isang grupo na gumagawa ng mga content at diskusyon na tumatalakay ang mga isyu na malapit sa kabataang Pilipino.
“Kung napapansin ninyo po, yung 2019 to 2020 graduates, 2021 to 2022, mag-aabot yan sa job market,” sabi ni Mahinay. “So when we talk to the youth, mahalaga na makita nila na gaano ba kahalaga na itong leader na ihahalal natin, merong siyang concrete plan about job creation, about the economic recovery plan, for example. We have to make it very personal sa kanila.”
Punto naman ni Yang ng GoodGov, kailangang pag-ibayuhin ang pakikipag-usap sa mga komunidad kung saan maraming kabataan. Mahalaga daw kasi ang pagkakaroon ng malalimang mga diskusyon sa henerasyong magmamana sa mga problema ng bansa pagdating ng panahaon.
“They vote as a collective, and we’ve seen that in history,” sabi ni Yang. “Kami naman po sa GoodGovPH… na-realize namin, hindi natin kailangan maghanap ng mga bagong organizers, kasi there are existing mechanisms. Nandiyan ang ating SKs (Sangguniang Kabataan).”
“We’ve seen in the past three months alone, sobrang daming SKs both in the federation level, the barangay level, na gumagawa ng paraan para makapag-register yung mga kabataan,” dagdag ni Yang.
“Kailangan dumami yung partners natin na sama-samang pupunta sa komunidad at hihikayat na bumoto.”
Kabataang boboto nang tama para sa bayan, ika nga ng mga naniniwala rito! Ito na nga ang magiging sagot nila sa pilosopong tanong ng marami na, “Anong ambag mo?”
Ayon pa kay Mahinay, “The youth is really a force for global change. Let’s give our vote to someone special. Because with our current situation in the country, it will take a special kind of leadership to get us out of where we are right now and to truly take our country to the right path and to a better path.”
--
Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00 p.m. Monday, Tuesday & Wednesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Twitter and Kumu.
- Latest