Mahigit 3,000 #ProudMakatizen teachers tatanggap ng ‘smart kits’
Bilang bahagi ng selebrasyon ng World Teacher’s Day, mahigit 3,000 Proud Makatizen teachers mula elementary, junior, at senior high school ang tatanggap ng espesyal na regalo mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati.
Maging ako ay excited na ipamahagi ang mga regalong ito simula ngayong araw na talaga namang ikatutuwa at magagamit ng ating masisipag na guro.
Ang aming digital teacher’s kit ay naglalaman ng jacket, boom microphone, numeric keypad, mini tripod, ring light, at external sound card. Mayroon din silang multi-purpose backpack/bag na may UV sterilizer at USB charging port, at virtual illustrator na mas kilala sa tawag na pen tablet.
A pen tablet ay isang computer input device kung saan pwedeng mag-drawing at mag-animate ng graphics at text ang isang indibidwal gamit ang stylus.
Para sa akin, napaka-importanteng mabigyan ng bagong digital tools ang mga guro dahil magagamit nila ito sa mas maayos at mas epektibong pagtuturo sa mga kabataang Makatizen. Bukod pa dito ay talaga namang deserve nila ang mamahalin at pinakabagong mga gamit dahil hindi biro ang pagod at hirap nila sa araw-araw.
Maliit na bagay ito kumpara sa patuloy nilang pagsasakripisyo at dedikasyon upang mabigyan ng mataas na kalidad ng edukasyon ang ating mga anak. Gusto namin na maging mas proud sila sa pagiging gurong Makatizen, at gusto ko ring ulit-ulitin na buo ang suporta namin sa kanilang mga pangangailangan at mga programa.
Bilang magulang ay ramdam ko ang pagod at challenge ng pag-aaral sa “new normal’ set-up. Maraming kaakibat na pagsubok ang online learning, at pinipilit naming punuan ang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral.
Napakalaking bagay ng internet connectivity, mga OTG, at ng Mobile Learning Hubs natin sa pagsisigurong nakakasabay ang mga batang Makatizen sa kanilang mga lesson at nakagagawa ng mga proyekto at assignment.
Noong 2020 ay namahagi kami ng mga bagong laptop sa ating mga public school teacher bilang paghahanda sa blended learning modality sa panahon ng pandemya. Ang karagdagang mga “smart devices” na kanilang matatanggap ngayon ay magpapatuloy ng nasimulan nang digital learning programs at higit na mag-e-engganyo sa mga batang mag-aral nang mabuti.
Buo ang aking paniniwala na ang edukasyon ang “great equalizer” sa ating lipunan. Bilang mayor ng Makati, gusto kong bigyan ng pagkakataon at pag-asa ang higit na mas maraming batang Makatizen na magtagumpay sa buhay. Nagsisimula ito sa mataas na kalidad ng edukasyon at mahuhusay na guro.
- Latest