^

PSN Opinyon

Mindoro Occ. Gov. Gadiano kumikilos daw sa brownout

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Sabi ni Occidental Mindoro Gov.  Ed Gadiano, hindi naman daw siya nagsasawalang-kibo sa suliranin ng brownout sa kanyang probinsiya.

Nang huli siyang makipag ugnayan sa Occidental Mindoro Electric Cooperative (Omeco), nabanggit na ang kabuuang demand ng kuryente sa Occ. Mindoro ay 29 megawatts, subalit ang supply ay 24 megawatts lamang. Ang 20 megawatts ang nanggagaling sa Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. (OMCPC) at 4 megawatts naman mula sa Napocor.

Inamin ni Gadiano na dahil kulang ang supply sa lalawigan, halos tatlong oras ang scheduled rotational brownout.

Bukod pa rito, magkakaroon din ng preventive maintenance ang OMCPC na maaaring umabot ng isang buwan kada makina. Tatlo ang makina na nagbibigay ng 7 megawatts. Ngunit dahil sa machine overhaul kada buwan, maaaring umabot ang kakulangan sa power supply ng 12 megawatts sa loob ng isang buwan.

Babala ni Gadiano sa kanyang mga kababayan na maaring umabot sa 12 oras ang pagkawala ng kuryente.

Kaya iminungkahi niya sa Omeco na apurahin na mapalabas na ang mga dokumento mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nag aapruba sa karagdagang 5 megawatts sa Emergency Power Supply Agreement (EPSA) ng OMCPC.

Sabi pa niya, apurahin ng Omeco ang pagproseso sa Competitive Selection Process (CSP) upang makahanap ng mga bagong supplier na makapagbibigay sa Occidental Mindoro ng sapat na kuryente.

Ayon pa kay Gadiano, makikipag-ugnayan daw ang Omeco sa pribadong sektor upang maghanap ng mga excess power supply at bilhin upang mapunan ang kakulangan.

Handa raw ang provincial government na isailalim ang probinsiya sa “state of power crisis” upang mapabilis ang proseso ng paghahanap at pagbili ng sobrang kuryente mula sa pribadong sektor.

Maari ring makipag-ugnayan sa Omeco na may excess supply tuwing non-peak hours. Tingin ni Gadiano, maaring idaan ang sobrang kuryente sa 69 kb transmission line ng Napocor sa mga lugar ng Mansalay-Magsaysay at Puerto Galera-Abra De llog.

Dapat sigurong siyasatin ng National Electrification Administration (NEA) ang Omeco. Tatlumpong taon na ang problemang ito sa Occ. Mindoro pero hanggang ngayon ay hindi pa nasosolusyunan.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

OMECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with