Mga katangian ng leader ayon sa mga eksperto
]Matapos magdeklara ng kandidatura sina Senators Ping Lacson at Tito Sotto para sa pagka-Pangulo at pangalawang Pangulo, nagdeklara na rin ng kandidatura ang iba pa tulad nina Sen. Manny Pacquiao (na hindi pa matiyak kung sino ang Vice) at sina Manila Mayor Isko Moreno (for President) at ang kolumnista nating si Dr. Willie Ong (Vice President).
Naririnig na natin lalo sa social media ang mga puna (positibo man o negatibo) sa mga naturang kandidato, gayundin sa mga opinion makers sa mainstream media. Makatutulong iyan para makagawa tayo ng wastong pagpili. Sa politika, kinikilala at matimbang ang mga opinion ng mga beterano.
Maging ang mga doktor ay naglalabas na ng basehan para piliin ang susunod na Presidente. Anang dating adviser ng gobyerno sa COVID-19 response na si Dr. Anthony Leachon, ang leader ay dapat epektibo sa paghanap ng solusyon laban sa pandemya. Dagdag niya “Choose leaders who are: 1. Honest 2.Competent 3. Inspiring 4. Forward looking 5. With Moral Courage.”
Ayon naman sa political analyst na si Mareng Winnie Monsod, sa kanyang kolum “Ang dapat ay isang pinunong maayos mamahala. Aniya ang leader ay kailangan epektibo sa pagsugpo ng korapsyon, nakikinig sa tinig ng mga nasa panganib at agrabyado, at kayang pag-isahin ang minorya at mayorya sa mga usaping pambansa.
Tila ang mga katangiang ito ang basehan ni Lacson na sa simula pa ay kilalang inaayawan ang pork barrel na sinasabing ugat ng korapsyon. Kaya nga ang slogan niya ay Kakayahan, Katapatan, Katapangan, Ngunit gumawa tayo ng sariling ebalwasyon at magtatakda ng sarili nating katangiang hinahanap sa isang leader. Ngayon pa lang ay mahalagang gawin na ito.
- Latest