^

PSN Opinyon

Pagkilos ni Garma sa mga paglabag ng AAC

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Umaaray na si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma sa mga ginagawang paglabag ng mga authorized agent corporation (AAC). Maraming bookies ang AAC sa Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan (PnB) na nangdidispalko sa porsiyento ng sales na dapat ay pumapasok sa kaban ng pamahalaan.

Ang ginagawang ito ng AAC ay malaking kabawasan sa panustos ng pamahalaan sa mga programa na lubhang kailangan ngayon ng mamamayan dahil sa nararanasang pandemya.

Alam n’yo ba na sa pisong bino-bookies, 30 sentimo ang napupunta sa bulsa ng mga tiwali sa AAC.

Ngayong may pandemya maraming lugar ang ipinagbabawal ang government-accredited gaming products gaya ng STL at PnB. Pero tuloy ang palaro ng AAC at nagpapataya sa bahay-bahay at pampublikong lugar gaya sa Narvacan, at iba pang bayan sa Ilocos Sur. Ang mga nagpapataya ang “super spreader” ng virus sa lugar.

Ganito ang katusuhang ginagawa ng mga tauhan ni Felicisimo “Bong” Artajos ng S Grande Corporation na kahit ECQ ay nagpapa-jueteng?

Ang galaw ni Butch Singson, Narvacan town manager ng STL-jueteng na patuloy na nagpapalaro kahit ECQ ay maaring magbunsod ng pagkansela sa franchise ng STL.

Nakaririndi rin ang sitwasyon sa Cagayan na mataas din ang kaso ng COVID. Super spreader din ang activities ng Globaltech Gaming Corporation sa palaro nitong Peryahan ng Bayan. Wala namang pakialam ang PNP upang sawatain ito!

Panawagan kay PCSO General Manager Garma, busisiin ang mga paglabag ng AAC.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

AAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with