^

PSN Opinyon

Dapat bayaran

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

 (Part 1)

Pumasok na tripulante si Jack sa isang kompan­yang nagpapadala ng mga trabahador sa barko. Pagkatapos dumaan sa normal na proseso si Jack at naka­pasa sa eksaminasyon na ginawa ng isang manggagamot, naka­pagtrabaho siya sa barko, ang POMI.

Natanggap si Jack bilang ikaapat na inhinyero sa barko at ayon sa kontrata, siyam na buwan siyang magtatrabaho at susuweldo siya ng $824 kada buwan. Makaka­tanggap din siya ng $459 bilang pirmihang overtime pay. Pumirma rin siya sa isang kontrata na nagsasaad na hindi siya maaaring magdala ng alak, droga o kahit ano pang medikasyon maliban na lamang kung may pahintulot ng manggagamot ng kompanya. Dapat munang sabihan ang manggagamot kung mayroon man siyang kailangan. Nakasaad din na ang paglabag sa nasabing kasunduan ay paglabag din sa kontrata niya sa kompanya.

Lulan ng barko sa sumunod na araw, nakaalis si Jack noong Marso 28, 1997. Nguni’t hindi pa natatagalan sa biyahe, nakaramdam na si Jack ng matinding pana­nakit ng sikmura. Sa sumunod na buwan, inatasan siya ng kapitan ng barko na magtrabaho kahit oras na ng pagkain. Hindi rin siya sanay sa pagkaing binibigay ng barko. Walang epekto kahit pa gumagamit siya ng Cimetidine upang iwasan ang pagbalik ng ulcer. Lumala ang kanyang  kalagayan at mabilis siyang nangayayat. Nang dumaong sa Alemanya ang barko, nakiusap na siya upang matingnan sa ospital doon. Ayon sa pagsusuri, bumalik ang gastric ulcer na naranasan niya dalawang taon na ang nakararaan. Pinabalik siya sa Pilipinas noong Hunyo 19, 1997.

Humingi si Jack ng tulong pinansyal sa POMI ngunit hindi siya nito pinagbigyan. ‘Di rin binigay ng POMI ang balanse sa suweldo niya. Dahil dito, nagsampa si Jack ng kaso laban sa kompanya.

Sa argumento ng POMI, si Jack daw ang nagka­sala sa kanila. Itinago niya sa kompanya ang tungkol sa kanyang sakit at nag­puslit pa siya ng gamot kaya’t malinaw na nilabag niya ang kontrata. Wala rin daw kinalaman sa trabaho niya ang nasabing sakit. Sinabi rin ng POMI na wala na siyang susuwelduhin dahil nagastos na ito ng kompanya sa ginawang pagpapabalik sa kanya sa Pilipinas. Tama ba ang POMI?

(Itutuloy)

JACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with