^

PSN Opinyon

Paano mapapalakas ang iyong internet connection?

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Paano mapapalakas ang iyong internet connection?

“Essential” na nga kung tawagin ang internet na dati-rati’y di naman natin masyadong binibigyan masyado ng pansin. Hindi nga maikakaila na ngayong pumutok ang pandemya, internet is life! Para umusad sa mga usaping may kinalaman sa ating tahanan, negosyo, o eskwela, naging susi ang teknolohiya.

Gayunpaman, aminin na rin nating nagiging sakit din sa ulo kung minsan ang ating internet—lalo na kung ito’y babagal-bagal. Hindi kasi handa ang ating internet sa bahay sa biglaang pagtaas ng pangangailangan para rito, bunsod ng work-from-home at distance learning. 

Sa aming tahanan, talagang stressful ang biglang pagbasgsak o pagbagal ng wifi connection kapag sabay-sabay kaming gumagamit ng internet --- sa aking online streaming, zoom meetings ni mister, pag-aaral ng mga bata, at maging panonood ng you tube at Netflix ng aming mga yaya. 

Ano nga ba muna ang wifi?

Bago natin subukang ayusin ang high-tech na bagay na ‘to, kailangan muna nating intindihin kung ano ang wifi. Ginagamit ang wifi sa wireless devices na siya namang nagpapagana sa internet sa pamamagitan ng radio signals. Maihahalintulad ito sa paggamit ng radio o kaya nama’y mga walkie-talkie. Kumpara sa radyo, mas kaunting power ang ginagamit ng wifi, at sa mas maliliit na distansya at espasyo lang ito gumagana.

Dahil nga sa hangin dumadaloy ang wifi signals, hindi na nito kailangan ng cables kumpara sa naunang ethernet. Gayunpaman, mas sensitibo naman ito sa “noise” na pumapalibot sa ere. Kaya naman, mas madalas itong nagkakaroon ng problema.

Dahil nga tumaas ang demand para rito, magandang balita ang dala ng mga telco group  na nangangako ng mas mabilis na internet connection. Nakapanayam ko sa “Pamilya Talk” episode, ang SKY Fiber senior brand manager na si Maybel De Leon para sa ilang tips kung paano mapapalakas ang wifi connection.

1. Bilangin ang wifi devices sa bahay

Bakit nga ba bumabagal ang ating internet connection? May tinatawag na natural causes tulad ng maulan o mahanging kapaligiran. O kaya’y kung nasa liblib na lugar ang iyong tirahan. Ito ang mga pagkakataong hindi talaga natin kontrolado ang pagbagal ng ating connection.

Pero paano naman sa mga pagkakataong makupad pa rin ang ating connection kahit maayos naman ang panahon at nasa kabihasnan naman tayo. Sabi ni De Leon, baka nasa bilang na ito ng ating devices na nakakabit sa wifi. “Ang isang gadget approximately uses 3mbps to 10mbps (of internet speed). More or less, siguro kung may five to seven gadgets ka at home, kailangan mo ng at least 20mbps connection.”

Bukod sa ating smartphones at computers, isama na rin daw sa bilang ang mga tablet, smart TV, virtual assistant (tulad ng Amazon Alexa), air con/fan at iba pang smart devices na nakakabawas din sa ating pangkalahatang consumption.

Payo ni Maybel De Leon (Senior Brand Manager, SKY Fiber) sa publiko, bilangin kung ilan ang ginagamit na wifi devices sa kanilang lugar dahil bawat gadget ay kumukunsumo ng humigit-kumulang na 3 - 10mbps (of internet speed).

2. Tutukan ang dalas ng paggamit ng wifi

Hindi kailangang mag-upgrade agad ng wifi plan dahil lang naparami ang devices natin sa bahay. Mas mainam na alamin muna kung ang paggamit na ito ay itinuturing na light o heavy internet usage.

Kabilang sa light internet usage ang: web searching, reading, social media posting/messaging, emailing, navigation apps, at gaming. Nasa heavy usage naman ang: music and video streaming, online calls, media/app downloading and uploading, at peer-to-peer activities (file sharing sa computer networks).

Ngunit paalala ni De Leon lalo na’t mas nagiging madalas ang paggamit natin ng internet ngayong pandemya, “Pagdating sa email ng mga nag-wo-work from home, depende po yan. Pwede kasing nag-ta-transmit tayo ng malalaking files.  So kailangan mo rin ng mas mabilis na internet connection.” Dagdag pa niya, “Kasi marami na ngang mga nag-vi-video calls at online schooling ang mga bata. May mga online businesses (at home) na rin ngayon.”

3. Maghinay-hinay muna sa paggamit

Ngayong may ideya na tayo sa bigat ng internet consumption sa ating tahanan, importanteng alalayan ang paggamit ng wifi. Halimbawa na lang ang mga air con o electric fan na de-wifi pa. Baka naman mas mabuting patayin na lang muna ang wifi connection sa settings nito at balik manual muna tayo, para hindi na kumain pa sa internet consumption na nakalaan sa pag-aaral ng mga bata. 

4. Tutukan ang connection status

Nasubukan nyo na bang i-restart ang modem sa bahay? O kaya naman ay ang pagpuwesto nito sa isang maluwag na lugar kung saan walang nakaharang na mga gamit? Epektibo ang mga tip na ito para lumakas ang ating wifi.

May mga internet provider na may kasamang phone apps na nagagawa namang i-check ang connection status ng ating wifi. May iba ngang binibilang pa kung ilang users ang kasalukuyang naka-connect dito at meron ding iba na may security features pa!

5. Subukan ang mesh network

Kamakailan, naging uso ang pagkakaroon ng mesh units lalo na sa mga malalaking pamilya na nakatira sa malalaking mga bahay.

Paliwanang ni De Leon, “Ang mesh network ay group of devices that act as a single wifi network within your home. Typically, ang wifi mesh units ay ginagamit sa mga medium to larger homes. Sa typical two-storey houses ng mga Pinoy, kailangan na yan ng wifi mesh para malakas yung coverage.” Sa madaling salita, tinutulungan ng mesh units na palakasin ang wifi signals na hindi naabot ng coverage ng modem at router.

Dagdag pa ni De Leon, “Ang internet modem usually ay nilalagay sa may sala. Pero siyempre kapag umakyat ka na sa second floor, minsan nagkakaroon na ng poor connectivity or nagiging slow na yung connection. It creates dead zones within the home. Itong wifi mesh units, you can strategically place it doon sa areas na may dead zones para seamless na yung magiging connection (kahit saan ka pa).”

Sa bawat 100 sqm. na floor area, nirerekomenda ni De Leon ang isang mesh unit. “Siguro calculate na lang kung gaano kalaki yung bahay ninyo. Isa ring factor kapag concrete walls ang bahay natin—syempre mas makakapal. Depende rin yan sa layout nung bahay. Minsan, kapag medyo complicated yung design ng bahay, nakakaapekto rin yun.”

--

Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00 p.m. Monday, Tuesday & Wednesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.

INTERNET

WIFI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with