^

PSN Opinyon

Ang kritikal na papel ng urban farming sa lipunan

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Ang kritikal na papel ng urban farming sa lipunan
Ang Quezon City Sustainable Development Affairs Unit sa New Greenland Farm sa Bagong Silangan, ang itinuturing na pinakamalaking urban farm sa Metro Manila na may lawak na 10 ektarya.

Kasabay ng pagpapatupad ng quarantine measures sa bansa noong unang putok ang pandemya ang pagsikat ng paghahardin o gardening bilang isang libangan. Biglang-dami tuloy sa social media ang mga na-enggganyong mag-alaga ng mga halaman sa bahay. Para sa mga plantito at plantitang ito, malaking rason ang ibinibigay na aliw ng gardening, lalo’t napapalibutan tayo ng takot dulot ng virus. Therapy naman, sabi pa ng iba.

Isa rin akong plantita. May maliit akong hardin sa bahay na akin namang binabantayan at inaalagaan kasama ang pamilya. Dito ko minsan kinukuha ang ilan sa aking mga sangkap pangkusina. Naging therapy na namin ng aking pamilya ang paghahardin. Dito rin namin mas nararamdaman ang napakarami pang mga biyaya ng Panginoon.

Ngunit hindi nga lang daw sa usaping mental health ang nagagawang tulong ng gardening. May mga praktikal din itong naidudulot sa tahanan, sa komunidad at sa lipunan. Sa aming “Pamilya Talk” episode, mas lalo ko pang nadiskubre ang napakaraming mga benepisyong ibinibigay ng farming at gardening. 

Ang aming panganay na si Fiana ay kasama kong nagtatanim ng kangkong sa aming bakuran.

Ang potensyal ng urban farming

Bukod sa tulong na nabibigay ng paghahalaman sa ating mental health, meron din itong epektong pang-ekonomiya. Isa ang Quezon City sa mga unang urban cities na maagang napagtanto ang napakalaking pakinabang ng urban farm sa komunidad, kahit noon pa mang bise-alkalde pa lang ang ngayo’y alkalde nang si Joy Belmonte.

Nang nagpandemya, agad nagpatupad ng programang #GrowQC ang kabubuo pa lang na Quezon City Food Security Task Force. Bagama’t isa sa mga layunin nito ay ang palaguin ang agrikultura sa siyudad, tinututukan din nito ang mga paraan para bigyang-kasiguruhan ang food-sources ng mga residente, lalo na ang mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya. Minimithi ng programa na maging self-reliant ang komunidad pagdating sa pangangailangan nila sa pagkain, at sa pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga nawalan ng trabaho.

Kasama sa main action points ng #GrowQC ang: tulungan ang mga residenteng gamitin ang mga bakanteng lote para maging model urban farms; magbigay ng seed starter kits sa mga QCitizen para sa kanilang mga tahanan; at bumubo ng model community farms sa lungsod. 

Nasa episode rin ang aking mister na si Nonong Velasco na siyang pinuno ng Sustainable Development Affairs Unit at co-chair ng #GrowQC kasama si Mayor Belmonte. Sabi niya, noong Mayo, 280,000 sqm lang ang na-imbentaryo nilang mga lupain na may urban farming and gardening potential. Pero nitong Agosto 2021, umabot na sa 320,000 sqm. ang aktwal nilang mga lupang natamnan. 

“More than 100% nung sinabi nating potential ay natamnan na natin,” sabi ni Nonong. “So, when you talk about impact, nandyan yung aming mga urban gardener at farmer na umaabot ng 2,300. Naidugtong at nadadala rin natin ang sobrang ani ng ating mga urban farm sa mga community feeding program at mga community pantry sa lungsod.” 

Gumawa ng Facebook page ang #Grow QC (https://www.facebook.com/SDAUGrowQC) para palawigin pa lalo ang programa at para magsilbing tulay sap ag-uugnay ng farmers at gardeners sa mga komunidad  na nangangailangan ng pagkain at suporta.

Standing, second from the left) ibinabahagi ng grupo nina Ofelia Bagotlo, President ng Amlac Village Urban Gardeners sa Payatas, ang kanilang ani sa community pantries sa Quezon City.

Sa video na ipinakita sa “Pamilya Talk,” sabi ni Ofelia Bagotlo, President ng Amlac Village Urban Gardeners sa Payatas, "Ngayon pong ECQ ulit nabawasan po ang aming pangamba na baka magutom po ang aming mga kasamahan. Kasi nga po ay may mga masustanya na po kaming gulay, at kahit paano po ay may kinkita naman po kami sa pinagbentahan ng mga ito. Sabi nga po namin, halamanan ng pagmamahalan ito dahil dito po nabuo ang napakagandang samahan.”

Kalikasan ang nagbubuklod sa mga komunidad

Kasama sa mga maipagmamalaking model urban farms ng Grow QC ang farms ng QC Housing Project 9 at ng New Greenland Farmers Agriculture Cooperative sa Bagong Silangan.

Kuwento ng pinuno ng QC Housing Project 9 na si Tim Salaguste, 5 lang silang nagsimula ng kanilang farm noon.  Pero ngayon, marami nang homeowners ang kasama nila sa pagtatanim. Bagama’t may kapansanan si Salaguste, kitang-kita pa rin ang kanyang taglay na lakas sa kanyang sipag, diskarte, at kagustuhang tumulong sa pamamagitan ng pagtatanim.

“Since bata pa kasi ako, nag-ga-garden na talaga ako. Wala pang pandemic, talagang naghahalaman na kami ng asawa ko. Mahilig kaming magtanim. Napakahirap nung una simulan, pero nagawa rin,” dagdag ni Salaguste, isang accountancy graduate na ngayo’y barangay worker na.

Malaking nga raw ang nagawa ng kanilang urban farm sa kanilang komunidad lalo na sa new normal.

“Malaking epekto talaga kasi majority dito sa amin ay nawalan ng trabaho. Mayroong construction, mayroong delivery, logistics, at iba pa. So, yung mga hindi (essential), talagang natigil.  Napakasarap sa pakiramdam na yung pagtatanim namin, hindi lang nakatulong sa kapitbahay. Pero naging modelo kami para ma-engganyo yung iba na magtatanim.”

Sabi ni Tim Salaguste may bitbit na pag-asa para kanilang komunidad ang kanilang mga container garden.

Gardening para sa mental health

Naging malaking issue nga ang mental health sa pagsiklab ng COVID-19 sa maraming bahagi ng mundo. Sa Pilipinas, isa sa bawat apat na Pilipino ang nakaranas ng “moderate to severe anxiety” sa pagitan ng March to April 2020.   Ayon ito sa isang pag-aaral nina Michael L. Tee, et al, na nilabas noong Disyembre 2020. Ayon pa sa ulat, nakaranas din ng “moderate to severe depression and psychological impact” ang isa sa bawat anim na Pilipino.

Kaya nga nagsariling sikap ang mga Pinoy pagdating sa paglilibang ng sarili. Isa na nga sa mga nausong hobby na nakatulong magpakalma sa marami ang gardening, ayon kay Philippine Psychiatric Association fellow Joan Rifareal.

“Tatlo agad ang impact nya. First, physically, it can have an impact on our happy hormones. Second, psychologically, nagbibigay po ito ng meaning and purpose in our lives na bumangon everyday. And of course, third, its social impact. It brings (people) together. It forms communities and fosters belongingness to a group, to a community. Ang ganda po ng impact nun sa ating mental health dahil nararamdaman po natin na hindi tayo nag-iisa, na lagi tayong may kasama.”

“Sometimes, it’s really important to disconnect for us to be able to reconnect. Reconnect with nature, reconnect with ourselves. Kapag tayo ay nasa nature, na-ga-ground tayo at nagiging mindful tayo sa ating situation, sa ating blessings, and we feel all of the positive emotions,” pagtatapos ni Dr. Rifareal. 

--

Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00pm Monday, Tuesday & Wednesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.

GARDENING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with