^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit konti ay walang naamoy?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kahit konti ay walang naamoy?

Hindi malilimutan ang sinabi ni President Duterte noong 2016 na kauupo pa lamang niya sa pu­westo na may kaugnayan sa corruption sa pamaha­laan. Sabi niya, kapag nakalanghap daw lamang siya kahit kaunti ng corruption sa mga tanggapan ng pamahalaan, sisibakin agad niya ang opisyal dito. Kaunting amoy lang ng corruption at tatanggalin agad niya nang walang tanung-tanong. Kaya pinayu­han niya ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na isinasangkot sa corruption na mag-resign na nang tahimik kaysa ipahiya niya.

Maraming nalanghap na katiwalian ang Presidente mula 2016 hanggang sa kasalukuyan at marami na siyang sinibak. Kahit nga mga ka-frat niya ay sinibak niya. Pero makaraang sibakin, inilagay uli niya ang ilan sa mga ito sa bagong posisyon sa gobyerno at mas maganda pa kaysa dati.

May nalanghap siyang katiwalian sa Bureau of Customs noon, sinibak niya si Commissioner Nicanor Faeldon pero makaraan ang ilang buwan, inilagay niya sa Bureau of Corrections (BuCor). Pero nasangkot na naman si Faeldon sa pagbibigay ng good conduct allo­wance sa mga hindi kuwalipikadong bilanggo kay tinuluyan nang sinibak.

May nalanghap ding katiwalian sa Department of Justice, National Irrigation Administration, Bureau of Immigration at iba pa at sinibak din niya ang pinuno rito. Itong huling sinibak niya ay ang pinuno ng National Electrification Administration.

Ang nakapagtataka ay walang nalanghap ang Pre­sidente sa Department of Health (DOH) kahit na kali­wa’t kanan ang pag-iimbestiga sa tanggapan. Ang pinaka-latest ay ang report ng Commission on Audit (COA) ukol sa P67 bilyon na pandemic funds na hindi maayos ang paggastos. Nanghimasok na rin ang Senado at House sa pag-iimbestigahan sa DOH ukol sa pandemic funds. Bakit kaya walang na­amoy ang Presidente?

Noong Agosto 16, sinabi ng Presidente na hindi niya tatanggapin ang resignation ni Secretary Duque­ kung balak nitong magbitiw. “Alam ko gusto mo nang mag-resign, pero alam mo rin na tatanggihan kita nga­yon. Noon you have attempted to resign twice. I expect you to say something to me after this, mag-resign ka. Sabihin ko sa iyo, hindi. Wala ka namang ginawang masama,” sabi ng Presidente. Pero noong Martes, sinabi ni Duterte na kung magkukusang magbitiw si Duque, tatanggapin na niya. Sinabi ito ng Presidente makaraang ihayag na tatakbo siyang VP.

Pero nakapagtataka talaga kung bakit walang na­a­amoy o nalalanghap na corruption ang Presidente sa DOH. Mahina na ba ang pang-amoy niya?

NICANOR FAELDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with