^

PSN Opinyon

Tunog yayamanin ba ang baluktot na Tagalog?

FQ (Financial Quotient) - Rose Fres Fausto - Philstar.com
Tunog yayamanin ba ang baluktot na Tagalog?
Balikan natin yong tanong sa ating pamagat, “Tunog yayamanin ba yong baluktot na Tagalog?”

Ngayon ay Linggo ng Wika kaya’t minarapat kong isulat ito sa ating wikang pambansa.

Kung nakakarinig ka ng Pinoy na baluktot magsalita ng Tagalog at “Englishero,” kahit gaano kapango ang ilong, (naaalala mo ba yong kanta ni Heber Bartolome na may banggit ng pango - Tayo'y Mga Pinoy), ano ang naiisip mo? “Siguro mayaman ito, worsh-worsh magsalita, hindi marunong mag-Tagalog.” Sa ayaw at sa gusto natin, parang ‘yan ang pumapasok sa isipan natin. Tama ba ito? Bakit nagkaganito?

Noong bata ka, anong salita ang unang itinuro sa ‘yo ng mga magulang mo? Ngayong magulang ka na, anong wika ang ginagamit mo para kausapin ang mga anak mo? 

Lumaki ako sa tahanan ng mag-asawang Ilocano na gamit ang mga salitang Ilocano at English. Naisip ng Mamang ko, “Mapupulot na nila sa labas yong Tagalog.” Siguro dahil hindi rin siya masyadong marunong mag-Tagalog noong umpisa ng buhay mag-asawa nila dito sa Maynila. At tama nga siya, madali rin naming natutunan ang Tagalog. Ngayon, lahat kami sa pamilya ay marunong magsalita ng tatlong wika – Ilocano, Tagalog, English, na sa pandinig ng mga anak ko ay kakaiba ang tunog dahil pinagsasama-sama naming lahat – IlocTaglish daw.

Pero ito ang tanong: Bakit kung nagkakamali sa English grammar o pagbigkas ay kadalasan nilalait natin, pero kung baluktot ang Tagalog, okay lang. Hindi ko sinasabing okay lang na mali-mali ang grammar natin sa English. Naku, kung minsan, “grammar police” din ako kasi nakaka-irita rin talaga. Pero dapat patas. Kung pinupulis mo ang mga mali sa English, ganoon din sa Tagalog. Hindi yong maririnig mo yong mismong magulang na nagsasabi, “Hi hi hi, you’re so cute, your Tagalog is baluktot!” “Oh, sorry my child can’t speak/understand Tagalog.” Nakaka-proud ba yon? Bakit parang proud si mother kung sabihin niya yon? 

Aaminin ko, mas pinalaki ko rin ang mga anak ko gamit ang wikang English ngunit ni minsan, hindi ko sinabing hi hi hi, cute ang baluktot o mali nilang Tagalog. Itinatama ko rin ito gaya ng pagtama ko ng wrong grammar at pagbigkas sa English. Ngayon, sila na ang nagtatama sa mga sumasablay na enunciation ko. Yan ang hahaha!

Dahil halos lahat ng libro at iba pang materyales natin sa pagtuturo ay nasa wikang English, napakahalaga na maging magaling din tayong gumamit ng wikang ito. Pero dapat huwag nating kakalimutan ang sariling wika. Kung minsan may maririnig ka pang magsasabi ng, “Uy bakit Tagalog na Tagalog magsalita yong anak mo?” na parang kamangha-mangha kahit nasa Pilipinas at Pinoy ‘yong nagsasalita. 

Naalala ko noong araw pag nagrereklamo yong mga anak ko na mahirap ang Pilipino, sinasabi ko sa kanila ito, “Can you imagine a young French boy living in France who does not know how to speak French fluently? I’m sure, he will be disowned!” 

Sana ganon din ang isipin ng ibang magulang para hindi pabayaan na lumaking palpak mag-Tagalog ang anak nila. Ito ang dahilan kung bakit minabuti kong ilathala rin ang “The Retelling of The Richest Man in Babylon” sa wikang Tagalog, sa tulong ng napagaling na guro sa Ateneo na isa ring actor na si Ron Capinding.

Mabibili ang mga aklat na ito dito – https://fqmom.com/bookstore/.

Mahalaga ang pambansang wika

Kung minsan naiisip ko, baka kaya watak-watak tayo kasi parang hindi natin masyadong kinikilala ang pambansang wika natin. Marami tayong wika sa bansa natin – Ilocano, Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligayon, Ibanag, Aklanon, Kapampangan, Kinaray-a, Maguindanao, Maranao, Pangasinense, Sambal, Surigaonon, Tausug, Waray, Yakan at may nakalista pang Beki. Ano kaya ito? Dahil sa dami ng mga wikang ginagamit sa ating bansa, lalong mahalaga ang pambansang wika para tayo ay magka-isa.

Ngayon, balikan natin yong tanong sa ating pamagat, “Tunog yayamanin ba yong baluktot na Tagalog?” Sana hindi na. Tandaan mo ang sinabi ni Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, higit pa sa hayop at malansang isda.” At tandaan natin na si Rizal ay marunong gumamit ng 22 na wika - Hebrew, Tagalog, Ilocano, Bisaya, Subanon, Intsik, Latin, Español, Greek, English, French, German, Arabic, Malay, Sanskrit, Dutch, Japanese, Catalan, Italian, Portuguese, Swedish, Russian. 

Ayos lang maging magaling sa maraming wika, basta huwag mo naman bale-walain ang wika natin. Yan kasi and kaluluwa ng ating kultura. At mahalagang magkaisa tayo sa puntong ito para umasenso ang ating bansa. At yan ang totoong yayamanin, hindi ba?

Ipagpatuloy natin ang usapang ito. Samahan nyo kami sa aming live show sa Kumu at Facebook sa ika-19 ng Agosto 2021, kaarawan ng Ama ng Wikang Pilipino na si Manuel Luis Quezon. Panauhin namin ang Mutya ng Pilipinas Tourism International 2018, dating Myx VJ at isa na ngayong aktres na si Aya Fernandez. Kasama sa mga teleserye gaya ng “Ang Probinsyano” at iba pa. Binansagan sya ng kanyang kapwa-VJ na “Aya Makabayan” dahil sa pagmamahal nya sa mga gawang Pinoy na produkto.

Kita-kits! 

ANNOUNCEMENTS

1. I will be guesting on Calamansi App “Usapang Pera: Cash or Credit?” on Aug. 18, Thursday at 8 p.m. Here’s the link: https://share.mansi.io/RLXF9TgQMib.

2. I invite you to subscribe to my new FQ Mom Podcast. If you’d rather consume this article in audio and listen to my additional comments and insights, you may listen to my podcast on the platform of your choice.

3. To learn more about your money behavior, get your copy of “FQ Book 2”. Get copies for your loved ones too. The principles you will learn from here are not only applicable in your financial life but all the other important aspects of your life. https://fqmom.com/bookstore/.

To know more about “FQ Book 2”, watch this short video .

4. How good are you with money? Do you want to know your FQ score? Take the FQ test and get hold of your finances now. Scan the QR code or click the link http://fqmom.com/dev-fqtest/app/#/questionnaire.

This article is also published in FQMom.com.

 

Attributions: Freepik, Deviantart, Lingapp, Dreamstime, Bulatlat

WIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with