^

PSN Opinyon

Halo-halong panukat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG dekada-1980 ang bilihan ng bigas sa palengke ay sa “ganta” o “salop”. Halaw ang “ganta” sa India; ang “salop” ay salitang Malay. Katumbas nu’n ang halos dalawang kilo. Kapag sasaingin na, may bagong panukat: “gatang” o “chupa”, isang tasa ng katlong kilo.

Sumalin ang Pilipinas sa metric system. Pero maraming natirang English measure na nakasanayan. Inehemplo sa online post ang ilan:

  • Sa height ng tao, feet at inches pa rin. Sa distansiya, kilometro na.
  • Sa timbang ng tao, pounds pa rin. Sa karne sa grocery, kilohan.
  • Kung bibili ng ice cream o pintura, gallon, quart at pint pa rin. Kung gasolina, litro.
  • Electrical wire sa hardware, meter. Bentahan ng tela, yard.
  • Bahay at lupa, square meters. Tiles at TV na para du’n, inches.
  • Nakakalito ang swimming pool. Ang haba, meter; lalim, feet.
  • Soft drinks, liter at ml. Pero meron pa ring 12-oz na bote.
  • May mga lokal na termino pa. Sa lumang dyaryo, dangkal. Sa teks cards, syllables, “i-sa, dal-wa, tat-lo”. Sa baha, ga-tuhod, lampas-tao.

Mabalik sa bigas, may sukat sa bulto sa salitang Malay. “Picul” ang kayang pinggain ng tao sa balikat. “Cavan” ang Kastila para sa katumbas ng 98.28 litro, may bigat na 133 pounds o 60.33 kilos. Sa cacao ang isang cavan ay 83.5 pounds o 37.87 kilos. Iba pa sa mais, copra, at asukal.

At bakit nga ba sa tinapay at itlog ang bentahan ay dosena? Pero sa supot ng tinapay, sampu-sampu. At sa tray ng itlog, tig-trenta. Bakit sa saging, piling; sa lansones, buwig; sa mangga, kaing?

Idagdag pa: sa malayong lakarin, isa o dalawang siga­rilyo. Sa maikling paghihintay, isa o dalawang tulog. Sa nati­tirang beer, isa o dalawang lagok. Sa pulutan, isang pla­titong mani o chicharon.

Sa buhangin, isang Elf. Sa physical distancing, isang dipa. Kapag namuntikan, ga-buhok lang. Konting asin, isang kurot­.            

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

MEASUREMENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with