^

PSN Opinyon

Ang gagong boksingero

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Umaapaw ang stadium sa rami ng tao. Manonood sila sa isang kakaibang laban: ang nag-iisang boksingero na walang kalaban kundi ang kanyang sarili. Umakyat sa lona ang siraulong boksingero.

Kumakaway pa sa mga manonood na nagsisigawan ng mga salitang nangungutya sa kanyang kabaliwan. Tumunog ang bell – hudyat ng simula ng laban. Lalo namang naghiyawan ang mga manonood na umaasa sa mga kagaguhang gagawin ng ulol na boksingero.

“In this corner, wearing a red, white, blue and yellow trunk...Fighting Deedee Ess! Ipinakilala ng ring announcer ang boksingero. Nagpatuloy siya  “and in the same corner, wearing the same trunk, Kid Deela Juan!”

Nagsimula ang laban. Parang gagong paikut-ikot siyang sumasayaw sa loob ng ring, sinusukat ang sariling­ kakayahan. Sa unang oportunidad, isang malakas na big­was ang pinakawalan ng boksingero sa sarili niyang panga.

Sobrang nasaktan, nagpakawala uli ng matinding suntok  sa kabilang panga. Nakipagpalitan nang malalakas na suntok ang buwang sa kanyang sarili. Aliw na aliw at nagsisigawan ang audience sa komedyang pinanonood nila.

Isang simbilis ng kidlat na upper cut ang ubod lakas na ibinigay ng boksingero sa kanyang baba. Tumba! Binilangan siya ng mandatory 8 counts ng referee, susuray-suray na nakabangon ngunit idineklara ng referee ang laban na technical knockout.

“Ang nanalo ay.....ang audience!” Ang pahayag ng referee. Ang mga manonood ay kumakatawan sa world community of nations at ang gagong boksingero ay tayong mga Pilipino.=

TRUNK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with