^

PSN Opinyon

Paano ba magdasal?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA Bibliya ilang beses humiwalay si Hesukristo sa mga tao para mapag-isa. Sinasama Niya sina Pedro, Juan at Jaime para mapag-isa rin sila. Ibig sabihin ng mapag-isa ay magnilay. Lumalayo sila sa abala para makipag-usap sa Diyos Ama. Sumasagot ba ang Diyos sa pagdarasal natin?

Ikinuwento ito ni Bishop Pablo “Ambo” David. Sa mga kasayahan sa baryo nu’ng bata pa, mahilig siyang sumali sa palarong “Paluin ang Palayok”. Masayang paligsahan ‘yun. Kapag nabasag ang palayok sasambulat ang laman na laruan, kendi at barya. Pag-aagawan ng mga nakapaligid. Bida at may premyo ang pumalo at nagsabog ng biyaya.

Pero parating talo sa laro ang batang si Ambo. Kasi bukod sa nakapiring ang papalo, iniikut-ikot pa siya, saka magsisigawan ang mga tao ng “Diretso, kaliwa, kanan, palo na, liko, malayo ka pa.” Sadyang nililito siya ng madla. Ayaw nila siyang manalo para sila naman ang taya at magkakaroon ng pagkakataon sa premyo.

Tinuruan si Ambo ng ama niya ng sikreto para tamaan ang palayok. Anang ama, kapag nakapiring at inikut-ikot na siya at nasisigawan na ang madla, huwag siyang magpalito. Sa gitna ng ingay, hilo at gulo, hintayin niya at kila­lanin ang boses ng ama. Kapag marinig na niya ang tinig, ‘yon lang ang sundin niya. Bibigyan siya ng ama ng tamang direksiyon patungong palayok at kung kailan dapat humataw. Jackpot. Sa pakikinig sa ama sa wakas, nanalo na rin si Ambo.

Ganundin ang pagdarasal. Kailangang iklaro ang isip at huwag magpalito sa gulo at ingay ng paligid. Mag-isip, kila­­lanin ang tinig ng Diyos. Iwaksi ang tukso na gumagaya­ ng tinig ng Maykapal pero masama at baluktot ang salita. Sa kalaunan, madali nang makikilala ang tinig na magtuturo sa tamang landas.

Sa “Ama Namin” na turo ni Hesukristo ang apat na uri ng dasal: papuri, pasalamat, pagpatawad at paghiling.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

HESUKRISTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with