^

PSN Opinyon

Jueteng comeback sa Caloocan, sampal kay Mayor Oca?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Malakas na sampal kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang pagbukas muli ng jueteng ni alyas Boss M sa siyudad n’ya. Sampung araw pa lang kasi na nagsara ang jueteng ni alyas Renel sa Caloocan at kumati kaagad ang mga kamay ni Malapitan at hayun....pinabuksan n’ya kaagad ang palaro ni Boss M. Kaya’t nitong Huwebes, bomola na sina alyas Boyong at Tisay sa Bagong Silang at Bukid area. Pamilyar ba sila mga kosa? Hehehe!

Mga bata din sila ni Renel. Hindi lang ‘yan! Pati sa Caloocan proper ay bomola na din ang jueteng ni Boss M na ang management ay si alyas Obet. Dati-rati tablado ang jueteng sa siyudad ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian subalit bomola na rin dun si Boss M na ang management naman ay si alyas Jojo Tolentino Akala ko ba ayaw ni Mayor Gatchalian ng jueteng?

Alam kaya ng hepe ng pulisya ng Valenzuela na si Col. Fernando Ortega itong jueteng ni Boss M? Ano sa tingin mo NCRPO intelligence chief Col. Hansel Marantan Sir? Dipugaaaaaaa!

Itong palaro ni Boss M ay 1-40 din kaya’t mahirap itong tamaan at maliwanag na niloloko lang n’ya ang mga ali­pores nina Mayor’s Malapitan at Gatchalian. Habang naghihikahos ang mga mahihirap na residente ng Caloocan­ at Valenzuela City dahil sa pandemya, aba parang hinoholdap pa sila nitong jueteng ni Boss M. Get’s n’yo mga kosa?

Kung 1-40 itong palaro ni Boss M, hehe wala din itong pinagkaiba sa jueteng ni Renel. Malapit na talaga ang election at kumakalap na ng war chest itong sina Malapitan at Gatchalian? Dipugaaaaa!

Nakatimbre sa lahat ng operating unit ng PNP itong si Boss M kaya’t tinitiyak ko na walang kikilos para mapa­hinto ito. Sinubukan ni alyas Esing ng NPD na itaas mula P150,000 kada linggo sa P250,000 ang tara niya sa jueteng ni Boss M at ang napala n’ya ay malutong na mura mula sa opisyal ng NCRPO. Nahuulaan mo ba kung sino ang opisyal na nagmura Col. Marantan Sir? Dipugaaaaaa!

Sino si Boss M? Humahangos na nagreport ang mga kosa ko na itong si Boss M ay walang iba kundi si alyas Madam X o Tita na bagwoman ng NCRPO. Hayan mga kosa, alam n’yo na kung bakit hindi makakilos itong sina Ortega at Col. Samuel Mina, ng Caloocan police sa jueteng ni Boss M? Dipugaaaaa! Abangan!

JUETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with