Gambling lord na si Renel, puro yabang lang! Non
Wala palang binatbat si alyas Renel, ang nasa likod ng jueteng operation nina Boyong at Tisay sa Caloocan City dahil puro hangin lang ang pinagyayabang niya na “untouchable” ang kanyang negosyo. Sa katunayan, sarado na ang jueteng ni Renel noong nakaraang linggo dahil hindi niya nakayanan ang ngitngit ni Mayor Oca Malapitan.
Naiwan sa ere si Renel at hindi ito natulungan ng mga binibigyan niya ng lingguhang intelihensiya. Sa pagsara ng kanyang negosyo, napatunayan lang na hindi legal ang jueteng ni Renel, di ba mga kosa? Kasi nga kung legal ang negosyo ni Renel, aba dapat sinuway niya ang kautusan ni Malapitan na magligpit at dinala ang kanyang argumento sa korte.
Kapag nagpakita ng dokumento sa korte si Renel na legal ang negosyo niya, natural na mapapanatili ang jueteng niya sa Caloocan kasehodang galit si Malapitan. Dipugaaaaaa!
Sinabi ng mga kosa ko na pinatawag ni Malapitan itong si Renel matapos makahuli ng apat katao ang mga operatiba ni Col. Samuel Mina, hepe ng Caloocan police, nang ma-raid ang butas niya noong Miyerkules. Subalit hindi sumipot si Renel at ipinadala lang ang “right hand man” niya. Hehehe! Marahil ay nainsulto si Mayor Malapitan kaya ikinumpas nito ang kanyang kamay na bakal laban kay Renel.
Tumalima naman sina Boyong at Tisay at hindi na nangubra sa kalye ang mga kubrador nila mula nang nakaraang linggo. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Subalit ku-malat naman sa Caloocan City na gumagawa ng paraan si Renel para makabalik siya sa puwesto. Dipugaaaaaa!
Dahil sarado na si Renel, wala nang maibatong baho ang kampo ni Rep. Egay Erice sa pamilya Malapitan. Si Mayor Malapitan ay third-termer na kaya ang mabangong papalit sa kanya ay ang anak na si Rep. Dale Along Malapitan.
Maaring madagdagan ang war chest ng mga Malapitan kapag nagpatuloy ang jueteng ni Renel, subalit ipinagpalit nila ito sa paglinis ng pangalan nila sa ilegal na bisyo. Kaya goodbye na lang sa balak ni Renel na ipagpatuloy ang jueteng niya sa Caloocan. Araguuyyyyyy!
Siyempre, ang natuwa pa sa pagsara ni Renel ay ang kampo ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr. dahil hindi na makakaladkad ang pangalan niya sa jueteng. Get’s mo Ma’m Tita? Dipugaaaaa!
Abangan!
- Latest